Minahan sa Mogpog, tinanggihan

BOAC, MARINDUQUE -รขโ‚ฌโ€œ Tuluyan nang tinanggihan ng Pamahalaang Lalawigan ng Marinduque ang aplikasyon sa pagmimina ng bakal sa mga Barangay ng Bocboc at Puting Buhangin sa bayan ng Mogpog na inihain ng Asian Iron Ore Corporation at Archean Mining Corporation (na kinakatawan nina Noel Mirabel at Isabelo Payongayong) sa Provincial Mining Regulatory Board (PMRB) noong nakaraang taon.

Ang pagtanggi ng pamahalaang lalawigan sa panukalang pagmimina ay nakasaad sa isang opisyal na liham ng punong ehekutibo na may opisyal na sipi para sa Marinduque Council for Environmental Concerns. Continue reading “Minahan sa Mogpog, tinanggihan”

Spider-Man 3

“Whatever comes our way, whatever battle we have raging inside us, we always have a choice. My friend Harry taught me that. He chose to be the best of himself. It’s the choices that make us who we are, and we can always choose to do what’s right.” –Spider-Man/Peter Parker

Kanina lang namin napanood ang Spider-Man 3. Kahit sa tingin ko’y mas okay ang ikalawang Spider-Man, nag-enjoy rin naman ako rito sa ikatlo. Asteeg pa rin sina Tobey Maguire bilang Peter Parker at Kirsten Dunst bilang Mary Jane Watson.

Maliban sa quote sa itaas, gusto ko rin ‘yung sinabi ni Aunt May (Rosemary Harris) kay Peter matapos magkaletse-letse ang buhay nitong huli dahil sa mga pagkakamali niya: “You start by doing the hardest thing, you forgive yourself.” Continue reading “Spider-Man 3”

Mula sa Free Jonas Burgos Movement

Galing sa Friendster bulletin board:

Para sa mga kaibigang manunulat, artista, at mamamahayag

Ang Free Jonas Burgos Movement po ay magpapalaganap ng Writers and Artists commitment/petition paper para sa kagyat na paglilitaw kay Jonas Burgos, anak ng press freedom hero na si Joe Burgos, at pagkondina sa enforced disappearances (199 cases since 2001, ika-16 si Jonas sa kasalukuyang taon) at political killings (860 cases since 2001).

Hinihingi po namin ang inyong commitment sa pamamagitan ng inyong mga pirma. Kung maaari, paki-forward po ang inyong e-mail address na may kalakip ng inyong buong pangalan at inyong title bilang manunulat at artista sa freejonasburgosmovement@yahoo.com.

Pakikipasa po sa ibang mga manunulat at artista.

Maraming salamat po.