Mga isla ng Pinas, ibinebenta?

“PHILIPPINE ISLANDS FOR SALE!”
I-Witness ni Sandra Aguinaldo
Ngayong Lunes: Ika-30 ng Abril, 2007

Binubuo ng 7,107 na isla ang Pilipinas, mumunting mga pulong maikukumpara sa pinakamagagandang isla sa buong mundo. Pero akalain mo bang kung meron kang 20 million piso, puwede ka nang bumili ng isang malaki-laking isla sa Palawan?!

Sa dokumentaryong ito, sisiyasatin ni Sandra Aguinaldo ang talamak na bentahan ng mga isla sa Palawan at ang epekto nito sa mga residenteng katutubo ng nasabing probinsya.

Makikilala ni Sandra ang mga tao sa likod ng isang website na nagbebenta ng isla sa mga dayuhang investor. Bagamat ipinagbabawal ito sa batas, nakasaad sa website ang mga paraan para makabili ng isla sa Pinas ang isang dayuhan! Continue reading “Mga isla ng Pinas, ibinebenta?”

Political families reign in almost all of RP

My first GMANews.tv story:

Political families reign in almost all of RP
by EDERIC EDER and ALLAN VALLARTA

GMA News Research
04/20/2007 | 07:03 PM

Political families thrive in all but one province in the Philippines. From Batanes to Tawi-tawi, with the exception of Kalinga, members of political families hold public posts, both elective and appointive.

In a recent study, GMA News Research has identified at least 219* political families that dominate the country’s political landscape. Some of these families entered politics as early as the birth of the Philippine nation, like the Aquinos of Tarlac, Laurels of Batangas, Lacsons of Negros Occidental and Manila, Aguinaldos and Abayas of Cavite, and Duranos of Cebu.

Read the entire article at GMANews.tv

Bakasyon

Kahit nakakapagod, masaya ako’t nakauwi’t nakapagbakasyon ako sa Marinduque nitong nakalipas na Semana Santa.

Kahit nakakapagod, masaya ako’t nakauwi’t nakapagbakasyon ako sa Marinduque nitong nakalipas na Semana Santa. Bago ito, hindi bababa sa tatlong magkakasunod na Holy Week na ang lumipas na hindi ko nagugol sa amin sa Marinduque dahil sa trabaho ko rito sa Maynila.

Sa pagkakaalala ko, ang huling Semana Santa na ginugol ko sa Marinduque — maliban sa ngayong taon nga — ay noon pang 2002. Umuwi ako kasabay ang mga kaibigan ko sa Peyups.com. Medyo napahiya nga ako dahil parang penitensya ang biyahe. Matapos maghintay nang mahigit kalahating araw yata sa pier, nagmukha kaming mga refugees na may katiting lamang na espasyo sa sinakyan naming bapor. Pagdating sa Marinduque, namalagi kami sa isang isla at nag-overnight doon.

Continue reading “Bakasyon”

Sana Maulit Muli–ang pagwawakas

Kagabi, sa pagwawakas ng Sana Maulit Muli, siguradong masasaya ang Kimerald fans–o mga tagahanga nina Kim Chiu at Gerald Anderson. Pero ang maraming mga manonood, naasar naging takbo ng huling bahagi ng kuwento.

Lagi kong sinasabi na ang magandang ending ng isang palabas ay ‘yung hindi ini-expect. ‘Yun bang tipong masasagasaan ng bus, tapos tapos na. Parang ganoon din naman ang nangyari sa SMM. Naaksidente rin sila ng isang trak o van na nawalan ng preno.

Sa episode bago ang pinakahuli, namatay si Travis Johnson, at tumalon naman mula sa rooftop ng isang gusali si Jasmine Sta. Maria. Akala ko tuloy, mamamatay sila pareho. Siyempe, malungkot iyon, pero okay na rin sana–at least magkasama pa rin sila. Continue reading “Sana Maulit Muli–ang pagwawakas”

Pambansang kahihiyan

Na-bad trip ang kinatawan ng grupong Gabriela kay Justice Secretary Raul Gonzalez dahil sa mga pahayag nito tungkol kay Julia Campbell–-isang dakilang Amerikanang nagsilbi sa mga mahihirap na pamayanan sa Pilipinas ngunit ginantihan lamang ng karahasan.

Sabi kasi ni Raul, careless daw si Julia. “She was a little irresponsible. Why would she walk alone in this remote mountain? I think, [if she had a companion], it would not have happened. She was careless that she took a lonely walk in this deserted area. Maybe she was confident [of being familiar with the countryside].” Continue reading “Pambansang kahihiyan”