Unang Philippine Blog Awards

Ngayong Sabado, Marso 31, 2007 na gaganapin ang kauna-unahang gabi ng parangal ng Philippine Blog Awards. Sana makapunta ako.

Finalist ang blogs ng mga cyberfriends at favorite bloggers ko, kabilang ang Project Manila, Bikoy.net, Coconuter, Digital Life by Chin Wong–my prof in Ateneo CFJ, Misteryosa, Leon Kilat: The Cybercafe Experiments, Jaypee Online, By Jove!, InsidePCIJ, Gibbs Cadiz, Nostalgia Manila, at Cuying Podcast.

Delayed justice for Marinduque mining disaster

BOAC, Marinduque — In a rare display of solidarity and volunteerism, thousands of Marinduqueños from all walks of life, led by the Marinduque Council for Environmental Concerns, gathered together on March 24 to clean-up both embankments of the 26-kilometer Boac River to commemorate the 11th anniversary of the infamous environmental disaster which caused the death of the said river in 1996. This is in response to the Pastoral Letter issued by Marinduque’s Bishop Reynaldo Evangelista, an Executive Order circulated by Governor Carmencita O. Reyes and a Resolution adopted by the Sangguniang Panlalawigan. Continue reading “Delayed justice for Marinduque mining disaster”

Kulong

Habang isinusulat ko ito, nakikita ko ang mga nagdaraang tao at sasakyan sa kalsada. Gusto ko na sanang sumakay sa jeep papunta sa opisina, pero di ko ito maaaring gawin. Nakakulong kasi ako.

Nakulong ako sa pagitan ng pinto ng aming apartment at ng gate palabas sa building. Dahil sa katangahan ko kanikanina lang. Lumabas ako’t ikinandado ang pinto nang di naaalalang ‘di ko pa nadadampot ang susi ko sa sabitan nito. Laking gulat ko nang makitang nkakandado ang gate namin! Ibig sabihin, di ako makakaalis dito hanggang dumating si Bing.

Update: Nakalabas din ako nang dumating si Bing.

Si Ka Satur

Naalala ko noong mawalan ako ng pinakauna kong trabaho. May tatlong buwan pa lamang akong correspondent sa Manila Times–na pinamamatnugutan noon ni Ma’am Malou Mangahas–nang ito ay magsara matapos mapilitan ang mga may-ari na ibenta ang dyaryo sa isang crony ni Pangulong Estrada.

Sa isang pagtitipon ng mga taga-media noong kasagsagan ng isyu ng panggigipit sa Times, dumalo ang guro namin sa UP na si Prof. Carolina Malay at ang kanyang kabiyak na si Satur Ocampo. Ipinakilala ako ni Ma’am Malay sa kanyang asawa at sinabihan ako ni Ka Satur–na matagal ding naging reporter ng lumang Manila Times bago maging aktibista at rebolusyunaryo–na huwag daw akong mawawalan ng pag-asa. Continue reading “Si Ka Satur”