Sana di maulit muli–ang fertilizer scam

Coco-Loka

Inaanyayahan ko po kayong manood mamayang hatinggabi ng I-Witness sa GMA-7. Samahan ninyo kami ni Howie Severino sa pagbabalik sa kinalakhan kong nayon sa Santa Cruz, Marinduque.

Pumunta kami roon bilang bahagi ng pagbabantay sa maaaring kahinatnan ng halos P2 bilyong pisong pondo mula sa coco levy funds–na ilang taong binayaran ng mga magsasaka sa niuygan gaya ng lolo at lola ko.

Eto ulit ang plug, Tagalog version naman: Continue reading “Sana di maulit muli–ang fertilizer scam”

Coco-Loka: An I-Witness documentary

Can a small-town boy stop the abuse of big-time funds?

Driven by a monster typhoon’s destruction of his native Marinduque’s coconut lands, a local boy now working for a major TV network wages a lonely battle for justice.

GMA researcher Ederic Eder’s mother died at sea while delivering his tuition money so he could enroll at UP. That money came from the sweat of his coconut-farming family.

Now a UP-educated professional, he has been researching for years the fate of coconut levy funds that his family paid to the government. Millions of farmers paid the same levy, which was allegedly stolen and used by Marcos cronies to buy companies, including nearly half of the shares in San Miguel Corporation.

Collaborating with I-Witness reporter Howie Severino, Ederic discovers that the government may be getting set to use nearly two billion pesos from those farmers’ funds for electioneering purposes. Continue reading “Coco-Loka: An I-Witness documentary”

Ngayong anibersaryo ng EDSA…

Ngayong anibersaryo ng EDSA People Power I, dapat ay si dating Pangulong Corazon Aquino ang nasa limelight. Mahigit 21 taon na mula nang maglakas-loob siyang hamunin ang diktador, at sa tulong ng sambayanan ay mabawi ang ating kalayaan at maibalik ang demokrasya.

Siyempre, ibang usapan na kung ano ang nangyari pagkatapos ng EDSA, at kung paanong sa kabila ng isa pang pag-aalsa ay unti-unting nananamlay na naman ang ating demokrasya at nasasakal ang ating kalayaan. Continue reading “Ngayong anibersaryo ng EDSA…”

Sikat na naman si Trillanes

Photo from Antonio Trillanes IV's Friendster account
Hindi na ako nagulat ngayong may pailan-ilan muling nagko-comment sa post kong “Liham kay Lt. SG Antonio Trillanes IV”. Dala marahil ito ng pagdeklara ni Trillanes na tatakbo siya bilang senador. Kahit ang profile ni Trillanes sa GMANews.tv, isa sa mga most read sa mga personality profiles sa site. Ang kanyang unang Friendster account, puno na rin.

Noong kakatapos lamang ng Oakwood mutiny, sobrang naging crush ng bayan ang rebeldeng sundalong ito, at sa isang Peyups article ay sinubukang kong sagutin kung “Bakit Crush ng Bayan si Kapitan Trillanes?”: Continue reading “Sikat na naman si Trillanes”