Sa Blog Parteeh

(Update) Nakasama pa rin ako sa Blog Parteeh ‘07. Isinama ako nina Ma’am Malou at Sir Joe sa GMANews.tv team na dumalo sa event.

Sa Blog Parteeh '07

Kapuso people with the bloggers

Sa Blog Parteeh, nagkita-kita ulit kami ng mga dati ko nang cyberfriends gaya nina Markku, Abe, at Karla (na unang beses ko pa lang nakita). Nasa UP pa lang kami ni Markku, cyberfriends na kami, samantalang itong huling dalawa ay nakilala ko sa Rebelde.com may mga pitong taon na siguro ang nakalilipas. Continue reading “Sa Blog Parteeh”

Blog Parteeh ‘07

Pagdating ko galing sa maikling bakasyon sa Marinduque, sinalubong ako ng pinakamainit na balita sa Philippine blogosphere: ang Blog Parteeh ‘07.

Ayon sa official website nito, ang “Blog Parteeh! 2007 is the largest blogger meet-up ever organized by bloggers for bloggers.”

Sumali ako dati sa unang iblog, at syempre, gusto kong maki-join sa Blog Parteeh! Sana i-email nila ako sa ederic[at]gmail[dot]com. Continue reading “Blog Parteeh ‘07”

Tagumpay ng mga Marinduqueño

STA. CRUZ, MARINDUQUE–Masayang ipinahayag kamakailan ng Marinduque Council for Environmental Concerns (MACEC), ang official ‘delisting’ o pagkakatanggal ng Department of Environment and Natural Resources sa San Antonio Copper Project ng Marcopper sa listahan ng 24 na “mining priority projects” ng administrasyong Arroyo.

Ang opisyal na announcement ay nakapaloob sa isang sulat ni Director Horacio C. Ramos ng Mines and Geosciences Bureau noong Disyembre kay Most Rev. Reynaldo G. Evangelista, D.D., obispo ng Diocese of Boac ng Simbahang Katoliko.

Ang sulat ay sagot ng administrasyong Arroyo sa “Marinduque Declaration” na pinasimulan ng MACEC at nilagdaan ng may 10,765 Marinduqueño kabilang ang mga pinuno ng simbahan at lokal na pamahalaan. Ang dokumento ay pormal na humiling sa gobyernong Arroyo na tanggalin ang San Antonio Copper Project sa listahan ng mining priority areas nito. Continue reading “Tagumpay ng mga Marinduqueño”