Panalo ang GMANews.tv sa Webbys!

Masayang masaya kami kagabi dahil nanalo ang GMANEws.tv bilang best website sa media category ng Philippine Web Awards. Sumama ako sa staff ng website sa gabi ng parangal na ginanap sa RCBC Building sa Makati. Nakipagpalitrato pa nga ako hawak ang trophy:

Webby Awards

Isa sa mga award presenter si Francine Prieto. Siya pa nga ang nag-announce na nanalo ang GMANews.tv sa media category. Pagdaan niya, nagpakuha rin kami ng mga larawan kasama siya. Eto yung sa amin:

Webby Awards with Francine Prieto

Update ko ito later para sa buong kuwento.

May Hiya

Bahagi ito ng paliwanag ni Rep. Erin Tañada sa kanyang pagboto ng NO sa mosyong tanggalin ang isang bahagi ng House Rules:

{I]pinakita po natin sa buong sambayanan kung paano natin nilalabag ang ating sariling patakaran para lang tumugon sa pansariling interes.

Mr. Speaker, ito po ay isang nakakalungkot at nakakahiyang araw para sa malaking kapulungang ito. Para sa akin, ang tamang dapat gawin ay tutulan ang mosyon ng Deputy Majority Floor Leader.