Pow Chavez pagkatapos ng Philippine Idol

Last entry ko ito tungkol sa Philippine Idol this year. Natanggal ngayong gabi si Pow Chavez. Sila ni Miguel Mendoza ang nasa bottom 2.

Sa pagtatapos ng paglalakbay ni Pow sa kumpetisyong ito, masaya siyang hinihintay ng kanyang mga tagahanga–kabilang kami nina Mhay at Migmig–sa bagong level na sasalubong sa kanya. “Sana lang magka-album na Pow,” sabi ni Mhay sa text. Excited na rin ako. Continue reading

Philippine Idol musical night

Philippine Idol na. Musical night ang tema.

So Far So Good at I’d Give My Life For You ng Miss Saigon ang aawitin ng paborito kong si Pow Chavez. Hindi ako masyadong mahilig sa mga musical, pero nanonood pa rin ako.

Vote tayo mamaya ha?

Panalo si Pacquiao

Masaya na naman ang mga Pinoy. Nanalo si Manny Pacquiao. Na-knock out niya sa round three si Erik Morales.

Ang reaksyon ng pinsan ko: “Yayabang na naman ‘yan!” Ang naisip ko naman: Masaya na naman si Ate, saka si Mayor, at si Congressman.

Congrats sa mga fans ni Pacquiao. Mabuhay sina Pacquiao at Viloria.

Mabuhay ang Pilipino–pero hindi lahat.

Stopping the Arroyo regime assault on press freedom

Tinangkang arestuhin kahapon sa Malacañang ang Business Mirror reporter na si Mia Gonzalez (hindi pala Gonzales gaya ng una kong naisulat) kaugnay ng kasong libelo na isinampa ni First Gentleman Mike Arroyo laban sa kanya dahil sa isang articlena isinulat niya sa NewsBreak noong 2004.

Samantala, nakatanggap naman daw ng death threat si Ellen Tordesillas, isa sa mga sinampahan din ni Arroyo ng libel.

Nasa ibaba ang pahayag ng Center for Media Freedom and Responsibility, isang media NGO na kinabibilangan ko dati.

AN URGENT CALL
Stopping the Arroyo regime assault on press freedom

The Center for Media Freedom and Responsibility calls on all media organizations, advocacy groups, lawyers’ organizations, and human rights groups to join together to stop the Arroyo regime assault on press freedom. CMFR is issuing this urgent appeal to preempt what could be the beginning of a phase in this assault that could severely cripple press freedom in the Philippines and destroy what little remains of Philippine democracy. Continue reading

Isa pang Idol update

Sina Jan Nieto at Pow Chavez ang nakakuha ng magandang feedback mula sa judges sa katatapos lamang na Philippine Idol tonight.

“You are my song” ang inawit ni Jan, at nagustuhan ito lalo na ng guest judge na si Mo Twister. Kinamayan pa siya ni Mo.

Natuwa naman sina Pilita at Mr. C. dahil naipakita raw ni Pow ang kanyang feminine side. Naka-make up pa siya.

Samantala, abangan kung magmi-mini si Mo.

Philippine Idol update

Nakapanood kami ng I Luv Philippine Idol ngayong gabi. Radio hits ang theme bukas at ang kakantahin ni Pow Chavez ay “Love moves in mysterious ways.” Nalagay siya sa ‘danger zone’ dahil sa mababang score na ibinigay ni Ken Dingle sa kanya. Sana makakuha ng maraming boto si Pow bukas.

Palm Blogging for WordPress

Because my Palm m515 didn’t have direct connection to the Internet, I wanted to find a way how I could compose entries on my Palm and have these automatically posted on my WordPress blog when I sync.

I tried a number of palm blogging software available on the Web. None of those software worked. Most of the m-blogging tools required real-time Internet connection. I found one, though, that piqued my interest. It’s called AvantBlog. It lets users to post entries on their blog through AvantGo, a free service that allows users to download websites to their PDA when they sync. (I’ve been using AvantGo for a few years now to read the mobile version of INQ7, NYT, Time, and my blogs.) I thought I could use AvantBlog, but I later learned it was compatible only with Blogger.

I once tried answering comments on my blog using AvantGo by entering text on the form and tapping submit. After I synced, I noticed that my reply was posted on my blog. Then I thought that if I could post comments though AvantGo, why couldn’t I blog using the same tool? I later found out that it was actually possible.

If you are a WordPress user with a Palm, here’s a step-by-step guide: Continue reading

Palaban

Photobucket - Video and Image Hosting

Manood tayo mamayang gabi–pagkatapos ng Saksi–ng Palaban, ang bagong show nina Winnie Monsod, Malou Mangahas, at Miriam Quiambao sa Kapuso Network. Kakaiba ang kumbinasyon ng mga host ng Palaban: isang ekonomista, isang investigative journalist, at isang beauty queen.

Kakapanayamin ni Mareng Winnie–dating NEDA director general, beteranang public affairs host ng GMA-7, at prof ko sa isang Econ subject sa UP– ang mga pinakamatitinik na personalidad sa pulitika at negosyo. Para sa unang episode, kukumustahin ni Mareng Winnie si Virgilio “Hello Garci” Garcillano.

Sisilipin naman natin kasama ni Malou Mangahas–respetadong peryodista–ang buhay at pamumuhay ng mga public figures. Maghahatid din siya ng investigative stories na magbubunyag sa mga maanomalyang proyekto ng gobyerno, pati na ang mga tao sa likod ng mga ito. Ngayong gabi, bibisitahin ni Ma’am Malou ang tahanan nina Rep. Francis Escudero at Sec. Mike Defensor. Aalamin niya kung gaano kamamahal ang kanilang mga kasuotan at libangan, at kung paano nila nagagawang bayaran ang mga ito. Continue reading