Bagyo sa araw ni Bonifacio

Habang inaalala ng Pilipinas si Gat Andres Bonifacio, ang ama ng kanyang pagkabansa, isang malakas na bagyo ang nananalasa.

Unang napaulat na susugurin ni Reming ang Kamaynilaan. Pero nagbago ang ihip ng hangin, at sa Timog Katagalugan ito ngayon nananalasa. Nawa’y manatiling ligtas sa lupit ng panahon ang ating mga kababayan lalo na sa amin sa Marinduque.

Treo 680 costs P30,000

Treo 680 is cheaper in the US than here in the Philippines. An unlocked unit costs $400 in the US, while the suggested retail price here is P30,000.

A member of Mapalad.org, the Philippine Palm User’s Group, posted this news release on the site’s forum this afternoon:

Microwarehouse, Inc. Releases the Treo 680, a Powerful Smartphone That’s Easy to Use

Metro Manila, Nov 25, 2006 – Microwarehouse, Inc., the exclusive distributor of many Palm products in the Philippines is pleased to announce the release of the Treo 680. The newest member of the Treo family continues the tradition of its award-winning predecessors, providing a complete yet easy-to-use mobile solution. Continue reading “Treo 680 costs P30,000”

This Boy's Life

Photo from rottentomatoes.com | Image hosting by Photobucket - Video and Image Hosting Pinanood ko noong isang gabi ang binili kong DVD ng isang lumang pelikula ni Leonardo DiCaprio, ang This Boy’s Life. Hango sa tunay na buhay, tungkol ito kay Tobias, isang binatilyong pinagmamalupitan ng kanyang amain. Sa kuwentong ito, makikita kung paanong ang pagtakas nina Tobias sa abusadong boyfriend ng kanyang ina ay humantong sa pagpapakasal ng huli sa isang lasenggong lalaking may mga anak na rin.

Habang pinapanood ko ang This Boy’s Life, bagamat kakaiba’y di ko maiwasang maalala ang kuwento namin ni Mama. Pitong buwan pa lamang ako nang pumanaw ang aking ama. Iniuwi ako ni Mama sa Marinduque, at doon ako pinalaki sa tulong nina Tatay at Nanay (lolo at lola ko). Dahil maagang nabiyuda, may mga sumubok manligaw kay Mama. Pero malas lang nila, pagka’t ako ang numero unong kontrabida. Ayokong muling mag-asawa si Mama. Continue reading “This Boy's Life”

Mula sa Beta Lambda Kappa

Matagal ko nang nakuha ito, pero ngayon ko lang nai-post. Galing ito ang mga liham at pahayag sa ibaba sa blog ni athame. Ang hiling niya, basahin at ipasa. Eto, pakibasa po:

Magandang araw po.

Ako ay sumusulat para sa kapatirang Beta Lambda Kappa o BLK.

Ang BLK po ay isang university-based sorority sa UP Diliman na may feminist na pananaw at adhikain. Kami ay isang grupo ng kababaihan na nagnanais isulong ang karapatang pantao, partikular ang karapatan ng mga babae, simula sa pagbukas ng isipan namin at ng ibang tao. Continue reading “Mula sa Beta Lambda Kappa”