Mga Balitang Google

Halos araw-araw may bago sa Google. Magkakaroon daw ng election data sa Google Earth. Asteeg ito!

Sabi sa balita sa link sa taas, makikita sa Google Earth ang mga litrato at balita tungkol sa mga kandidato sa partikular na lugar. Makikita rin ang campaign finance information mula sa Federal Election Commission at Center for Responsive Politics, pati na rin ang voter registration information sa bawat estado.

Sana meron din sa Pinas na ganyan. Continue reading “Mga Balitang Google”

Smart Broken (2)

“there are two people in earth isang manloloko at isang nagpapaloko..it happens we are one of them..have u ever figured it out? False publicity victim tayo..tiis na lang kc nagpaloko tau e….cheer up..you buy a monthly subscription of 999 pesos of hardship and trials..hehehehe”

–pyth7 of pinoywifi.com

Actually, part 3 na ito ng Smart broken series ko. Hindi ko pa lang nasusulat yung part 2. Aayusin ko, promise.

Bukod sa maraming buhay na kinitil at mga pag-aaring sinira, nag-iwan din ng ilang araw na brown out ang bagyong Milenyo. Nang bumalik na ang kuryente, nalaman kong nawala ang Smart Bro connection ko. Hindi ako agad tumawag ako sa customer service nila dahil alam kong maraming nasira ang bagyo. Siguradong nagkaproblema lang yung mga cellsites nila. Makalipas ang dalawa o tatlong araw, nang unti-unti nang bumabalik sa normal ang lahat, tinawagan ko na ang Smart Bro. Continue reading “Smart Broken (2)”

MCCCL condemns killing of Bishop Ramento

The Movement of Concerned Citizens for Civil Liberties (MCCCL) strongly condemns the gruesome murder of Philippine Independent Church 9th Obispo Maximo BISHOP ALBERTO RAMENTO in Tarlac and FR. DIONISIO GINGGING also of the same church in Surigao del Sur.

We extend our deepest sympathies to their families and Church and join them in the call for justice. Their deaths are a loss not only to the nationalist Christian church but also to all who struggle for human rights across the country. Continue reading “MCCCL condemns killing of Bishop Ramento”

Dan Campilan, 25

Dan Campilan sa Newsroom | Photo courtesy of Ahd MarcoDan Campilan, 25, Kapuso, passed away last Saturday, October 7, 2006 after his car collided with a passenger bus in Quezon City. His brief but meaningful life will always serve as an inspiration.

Si Danifel M. Campilan, katrabaho, Kapuso, kasama.

Kahit di kami laging nagkakausap sa opisina, dati’y kinukulit-kulit ko si Dan–pati ang iba pang mga reporter–na magpasa na ng kanyang profile para sa website ng aming kumpanya. Hinikayat ko rin siyang sumagot sa mga mensahe ng kanyang mga tagahanga sa Kapuso forums, na masigla naman niyang ginawa.

Isang linggo pa lamang ang nakalilipas ay kausap ko siya at ang isa pa naming katrabaho. Iyon ang mga oras na relaxed na ang karamihan sa amin matapos ang isang araw ng pangangalap at paghahatid ng balita–yung panahong patapos na ang aming evening newscast. Ang paksa ng maikling umpukan namin ni Dan: ang katigasan ng ulo ng aming mga buhok na mahirap mapasunod. “Mas malala” raw ‘yung sa akin, ‘ika niya. Continue reading “Dan Campilan, 25”