Tugon ni Bien Lumbera, National Artist, sa parangal ng Ateneo

Ito naman ang talumpati ni Bien Lumbera, Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan bilang tugon sa parangal na iginawag sa kanya ng Ateneo de Manila University kamakailan:

ANG ATENEO SA KASAYSAYAN KO BILANG GURO NG PANITIKAN
Tugon sa Parangal, 22 Setyembre 2006
Escaler Hall, Ateneo de Manila University

Nang hingan ako ng talaan ng mga taong gusto kong maging panauhin sa okasyong ito, napukaw ang mga alaala ng sampung taong inilagi ko sa unibersidad na ito. Unang nagbangon sa gunita ang mga mukha ng mga estudyante at kapwa guro. Mga lugar sa kampus at mga pangyayari. At mga damdamin at diwang dinanas ko sa pakikipagkapwa sa mga gurong kapanahon ko, at sa pag-ugnay sa mga estudyante at sa mga tradisyon ng unibersidad. Kasabay ng mga alaala dumagsa ang mga yugto sa buhay ko nang ako’y nagsisimula pa lamang magturo at magpakilala bilang propesyonal sa labas ng unibersidad.

Continue reading

Showbiz Linggo

Kahapon, oras na ng meryenda nang makabalik ako sa bahay galing sa pamimili ng mga aklat at ilan pang mga bagay. Sinabayan namin ng panonood ng telebisyon ang pagkain. Dahil Linggo, ang palabas nang oras na iyon ay balitang showbiz. At siguro’y dahil ilang araw nang bina-bash ng mga kasama ko sa bahay ang isang partikular na aktor na kinaaasaran namin, siyempre’y nasa mood manood ng mga kuwentong showbiz habang kumakain. At dahil puro “Kapamilya” ang mga kasama, ‘di na ako nagtangkang ipilit na panoorin ang programa sa paborito kong network.

Ibinandera ng palabas ang pinakaunang pahayag daw ni James Yap tungkol sa pagbubuntis ng asawang si Kris Aquino — na para bang ito na ang pinakamahalagang pangyayari sa bansa sa linggong ito. May balita rin tungkol sa reaksyon daw ni Sharon Cuneta sa pagkikita nina Gabby Concepcion at anak na si KC. Pero ang balitang nakapagpaalala na tumatanda na ako ay ang pagpapakasal nina Mark Anthony Fernandez at Melissa Garcia.

Teenager ako noong panahon ng kasikatan ng mga Gwapings na kinabilangan ni Mark Fernandez — kasama sina Eric Fructuoso at Jomari Yllana. Lagi nila noong kapareha si Abby Viduya, na kalauna’y naging si Priscilla Almeda.

Sa aming mga kabataan sa probinsya na hindi exposed sa Hollywood, ang Gwapings ay kabilang sa mga idolo noong panahong iyon.

Continue reading

Ang Mamamahayag at ang Pagbabago

Para pa rin sa mga estudyanteng naghahanap ng mga talumpati, narito naman ang pananalitang binigkas ng kaibigan at ka-Tinig kong si Alexander Martin Remollino sa Media Summit na isinagawa ng UP College of Mass Communication Student Council noong Setyembre 22, 2006.

Naka-post din ang piyesang ito sa blog ni Alex, ang Our Thoughts are Free, at sa Indymedia Philippines. Muli ko itong ipinost dito nang may pahintulot ng may-akda.

Ang Mamamahayag at ang Pagbabago

Yaong naghahatid sa atin ng balitang-“artista” sa isa sa mga pangunahing istasyon sa telebisyon ay nagtapos sa De La Salle University (DLSU), bagama’t ilang taon bago iyon ay nakikita-kita ko siya sa pinanggalingan kong pamantasan, ang University of Santo Tomas (UST). Yaong katapat niya sa kabilang istasyon ay kilala ng karamihan sa atin bilang nagtapos sa Unibersidad ng Pilipinas (UP). Continue reading

High blood

Pagkatapos kong ma-publish sa Young Blood last month, high blood na raw ako ngayon. 149/90 yata. Tsk tsk, nag-aala-Camilo Sabio pa ako. Shet, nakaka-high blood talaga ang pulitika ( o ang pagsubaybay sa pulitika). Nakaka-high blood din ang imperyalismo at ang dala nitong 7-11 at McDo. Sabagay, pati pag-order sa Jollibee at paghihintay ng kanilang delivery, ganyan din ang epekto.

Sa mga naghahanap ng talumpati

Note: Hindi ako makagagawa o makakapagpadala ng mga talumpati sa e-mail ninyo. Mangyaring pumili na lamang kayo ng alinman sa mga nasa Talumpati category ng ederic@cyberspace o mga talumpating nalathala sa Tinig.com.

Marami na namang mga estudyante ang humihingi sa akin ng talumpati. May mga sanaysay akong maaaring gawing talumpati. Maghahanap ako sa aking arkibo. Pansamantala, eto muna ang pahayag ng pagbati ng kontrobersiyal na si Jose Maria Sison–na depende sa tumitingin ay maaaring terorista o rebolusyonaryo–sa anibersaryo ng Karatula, isang aktibistang samahan ng mga kabataang alagad ng sining at kultura. Maaari itong gamitin bilang isang talumpati.

PAGBATI SA KABATAANG ARTISTA PARA SA TUNAY NA KALAYAAN (KARATULA)
Ni Jose Maria Sison

Tagapangulong Tagapagtatag, Kabataang Makabayan
Tagapangulo, International League of Peoples? Struggle

Setyembre 16, 2006

Malugod na binabati ko ang pamunuan at mga kasapi ng Kabataang Artista para sa Tunay na Kalayaan (KARATULA) sa okasyon ng ika-6 na anibersaryo ng pagtatatag nito sa Setyembre 16.

Nakiki-isa ako sa inyong layunin na paalabin, pasiglahin at pasulungin ang kilusang kabataan sa pamamagitan ng gawaing pangkultura sa balangkas ng pakikibaka ng sambayanang Pilipino para sa pambansang kalayaan at demokrasya laban sa imperyalismong US at mga lokal na nagsasamantalang uri.

Continue reading

Proliferation of small-scale mining alarms Marinduquenos

Boac, Marinduque–The Marinduque Council for Environmental Concerns (MACEC), a church-based multi-sectoral organization in the Province of Marinduque is alarmed by the proliferation of mining companies in the Island-Province and other parts of the country which pose as “small-scale” players in the mining industry.

Just recently two mining companies, the Asian Iron Ore Corporation and Archean Mining Corporation, held a public consultation in Barangay Bocboc offering various economic opportunities to the people if they will be allowed to operate a “small-scale iron mining project.” Continue reading

Marinduque Scandal

Yano baya naman!

Nagabasa ako ng mga messages sa Marinduque e-group nang malaman ko na mayroon na rin palang Marinduque scandal. Cellphone video clip ito ng mga kabataan na naga-sex daw. Sabi nung iba, taga-Boac at taga-Mogpog daw yung mga nasa scandal. Mayroon pa nganing naglagay ng pangalan.

Yano talaga, ee. Ayaw magpahuli sa uso ng aming munting lalawigan. Sa pagpasok ng bagong teknolohiya, pati mga eskandalosong bagay ay nadadala. Nauso ang cellphone, naging kitikitext na rin kaming mga Marinduqueño. Nauso ang scandal, pati mga kababayan ko’y nakigawa na rin ng sariling version. Nakakagulat din mandin, ano?

Wala pa akong kopya nitong Marinduque scandal, kaya huwag kayong mahingi sa akin.

Trahedya sa paraiso

Photo courtesy of UP Visayas PIO | Hosted by Photobucket - Video and Image Hosting

(Unang nalathala sa Pinoy Gazette)

Ayon sa alamat, noong una’y may isang dugong bughaw, si Prinsesa Guima, na umibig sa isang aliping ang pangalan ay Aras. Ang kanilang pag-ibig ay isa raw pagsalunga sa tradisyon sa kaharian ng Himalus. Di ba’t kadalasan ay ipinagbabawal sa mga prinsipe at prinsesa ang mag-asawa ng karaniwang mamamayan? Mas matindi sigurado ang gulo sa kaharian kung ang prinsesa ay iibig sa isang alipin. Continue reading