Google Checkout

Google Checkout So, it’s not GBuy. It’s Google Checkout.

And like Paypal, it’s not available in the Philippines. At least, not yet. For now it’s only for US residents. Aray. I hope it will accept residents of other countries soon.

Google Checkout lets users “buy from stores with a single Google login -– no more entering the same info each time you buy, and no more having to remember different usernames and passwords for each store.”

Check out Google Checkout here.

Mai-impeach kaya

Napapakanta ako, sa tono ng Narda ng Kamikaze:

Mai-impeach kaya
Sa dami ng ‘yong ginagawa
Kung naayos mo na’ng lahat
May pag asa bang malaglag ka…

Awit na nananawagan
Sa mababait na congressman
1017, CPR at fertilizer scam
Atin nang pag-usapan!

Marinduquenos support Bicolanos vs mining

Suportado ng mga taga-Marinduque ang paglaban ng mga Bicolano laban sa muling pagbubukas ng La Fayette sa Bicol. Narito ang pahayag ng Marinduque Council for Environmental Concerns:

BOAC, MARINDUQUE – The Marinduque Council for Environmental Concerns (MACEC), joins the people of Albay and Sorsogon and other environmental groups in condemning in the highest degree the recent decision of DENR to allow the re-opening of La Fayette Mining despite the damages it wrought to the rich fishing ground of the area and its continuous threat to the people and the environment.

The series of mining disasters (heavy metal contamination in Calancan Bay since 1975, collapse of Maguilaguila Siltation Dam in 1993, and the infamous Boac River Environmental Disaster of 1996) which we experienced in Marinduque due to the irresponsible operation of Placer Dome, Inc (now Barrick, Inc.) and Marcopper Mining Corporation and the inefficiency of the government’s environment agencies are coming back to us as nightmares when we heard of the cyanide spill in Rapu-rapu. Continue reading

June 28

Superman Returns will be shown in the US and other countries, including the Philippines, on June 28, 2006. Fans of the new Captain Barbell series that looks like a local version of Superman must be waiting for this day when they could see the original man of steel.

But there’s another big thing we should watch out for on June 28, 2006. Garett Rogers of ZDNet wrote that Google’s GBuy “will be hitting the [N]et on June 28th.” Finally, the most-awaited launch of GBuy is coming. Let’s hope Google would allow us to use their new service, so we would no longer need to beg for a Paypal Philippines service.

Tagumpay ng Buhay

Masaya ako na mabubuwag na ang parusang kamatayan. Mailalagay na sa tama ang siyang tunay na layunin ng pagkakaroon ng mga bilangguan: ang pagpaparusa’t pagpapanibago sa mga nagkasala kasabay ng pagsulong ng buhay ng mga biktimang nagkamit ng katarungan.

Pero mas masaya si Pangulong Arroyo. Biro mo, maipagyayabang niya sa Vatican sa susunod na mga araw na nagawa niyang buwagin ang bitay sa Pilipinas. Maiboboladas niyang pro-life siyang talaga. At sigurado akong sasabihin niya sa kanyang pagbabalik na di lang siya inilagay ng Diyos sa kinalalagyan niya ngayon, binasbasan din siya ng bagong Santo Papa.

Wish ko lang, gayong naipapahinto niya ang bitay, maipahinto rin niya ang malawakang pagpatay sa mga peryodista at aktibista.

Kung hindi, lalo tayong bubulusok sa kabalintunaan ng pagbabago ng batas upang matanggal ang parusang kamatayan ngunit pagpapanatili sa pagparusa ng kamatayan sa mga naghahangad ng pagbabago sa ilalim ng batas.

666

Actually, hindi naman 6/6/6 ngayon. 06/06/06 o 06/06/2006 naman e. Kaya huwag kang matakot, nandito lang ako sa iyong tabi… lalalala. Napakanta tuloy ako.

Anyways, maraming kuwento tungkol sa 666. Ang mga Iglesia ni Cristo (Manalo version) at ibang fundamentalist Christians, halimbawa, sinasabing ang Santo Papa raw ang 666 dahil sa Vicarius Felii Dei (Proxy ng Anak ng Diyos) na isa sa mga titulo ng Papa. Kaso lang, hindi naman pangalan iyon, kundi title. Saka sangkaterba na ang mga dumaang Papa. Eh, sino sa kanila? Ano ‘yun namamana ang pagka-beast? Imposibleng ang unang Papa, na si Pedro. Medyo itinatwa nga niya si Jesus nung down na down Siya, pero si Pedro ay namatay na martir para sa pananampalataya. Imposibleng anti-Christ siya. Hindi rin puwedeng si Pope John Paul II. ‘Yun bang taong iyon na walang hinangad kundi pagkakaisa ng mga nagbabangayang pananampalataya, sasabihin mong anti-Christ?

May nagsasabing baka raw pulitiko. Imposibleng si Madam Gloria Macapagal-Arroyo o si George W. Bush! May mga anti-Christ bang nakakausap ang Diyos at pinaglilingkuran ni St. Micheal? Di rin puwede si Papa Ping (Lacson), kasi 888.ph ang domain name niya, hindi 666. Continue reading