Captain Barbell

Sa maniwala kayo’t sa hindi, ngayong taon ko lamang napanood ang mga pelikulang Superman. Nakakaaliw nga dahil para akong si Migmig, na tuwang-tuwa sa Superman. Bagamat dati’y napapanood ko sa TV ang “Louis and Clark”, etong Superman I to IV ay ngayon ko lang na-enjoy. (Ikukuwento ko sa ibang panahon ang tungkol sa pagka-Superman fan ko.) Noong lumalaki kasi ako sa probinsya, hindi uso sa akin ang mga dayuhang palabas. Lumaki akong sina Darna at Captain Barbell, Zarbot, Bioman at Shaider ang mga superhero sa komiks at telebisyon.

Naalala ko pa nang napanood ko ang Captain Barbell noong 1980s. Ito yung si Edu Manzano ang Captain Barbell, si Herbert Bautista ang Teng-teng, at si Sharon Cuneta ang Darna. Sa isang classroom ito ipinalabas sa high school na kalauna’y magiging paaralan ko rin. Noon kasi’y may mga nagpapalabas ng mga sine sa barangay namin. May dala silang malaking projection screen, at may kadobol ang bawat palabas. Doon ko rin napanood ang pelikula ni Sharon na Kailan Sasabihing Mahal Kita, na halaw rin sa komiks, at ang Halimaw sa Banga. Continue reading “Captain Barbell”

Mga kuwentong ibinabalik ng PBB Teen Edition

Peyups.com — Kahit disappointed ang marami sa atin dahil walang taga-UP sa Pinoy Big Brother Teen edition, nakapagpapaalala naman ito ng karanasan at panahon ko sa Peyups nating mahal.

Napanood ko ang pagpakilala sa teen housemates, at naalala ko ang pagpasok ko sa UP. Big deal ‘yun sa akin at sa mga kamag-anak ko sa Marinduque–kung paanong malaking bagay rin sa mga pamilya ng mga bata ang pagiging teen housemates nila. Sa libu-libo ba namang nag-audition, sila ang napili. Para silang nakapasa sa UPCAT! Read more