Sa Alaala ni Uncle Bob (ng Lucky 7 Club)

Isang memorial service ang idinaos kanina sa GMA Network Center para kay Robert “Uncle Bob” Stewart, na siyang nagtatag ng Channel 7 at Radio DZBB. Isang mamamahayag na Amerikanong labis na napamahal sa ating bansa, pumanaw siya noong April 6, 2006, sa Phoenix, Arizona.

Hindi ko na naabutan si G. Stewart sa GMA-7–ilang dekada na siyang wala nang pumasok ako sa kumpanya. Noong bata pa ako’y alam kong mayroong palabas na “Uncle Bob’s Lucky 7 Club”, pero mas pinanood ko ang “‘Yan ang Bata” ni Encar Benedicto dahil Tagalog ang usapan ng mga bata roon. (Naging card-bearing member pa nga ako ng ‘Yan ang Bata Club.) Continue reading

Atras-abante sa bitayan

“Sa pagdiriwang natin ng muling pagkabuhay ni Hesus, inaanunsiyo ko ang ang ating patakaran hinggil sa mga nahatulan ng death penalty. Iibahin natin ang parusa nila at gagawing life imprisonment.”

Ito ang pahayag ni Gloria Macapagal Arroyo kasabay ng kanyang pagbati sa sambayanan noong Pasko ng Pagkabuhay.

Masayang sorpresa ito para sa mga nasentensiyahan ng bitay, at malungkot na balita naman para sa mga biktima ng mga krimen at kanilang pamilya. Continue reading

Pinoy Abroad Anniversary Special (Part 2)

From Pinoy Abroad staff:

Nalagpasan man nila Rhea Santos at Ivan Mayrina ang mga hamon sa kanila noong nakaraang Miyerkoles — si Rhea bilang domestic helper at babysitter sa Paris, France at si Ivan bilang tour guide at trabahador sa dry docks ng Dubai , UAE — hindi pa tapos ang pagsubok sa kanilang tatag bilang Overseas Filipino Workers.

Pero kayanin kaya nila ang susunod na mga hamon? Continue reading

The Catholic Church: Pillar of Fire, Pillar of Truth

Below is the introduction to “Pillar of Fire, Pillar of Truth,” a booklet that answers basic questions about the Roman Catholic Church. I first encountered this literature in 1995, during the 10th World Youth Day with Pope John Paul II in Manila.

Whether or not you are Catholic, you may have questions about the Catholic faith. You may have heard challenges to the Catholic Church’s claim to be the interpreter and safeguard of the teachings of Jesus Christ.

Such challenges come from door-to-door missionaries who ask, “Are you saved?”, from peer pressure that urges you to ignore the Church’s teachings, from a secular culture that whispers “There is no God.”

You can’t deal with these challenges unless you understand the basics of the Catholic faith. This booklet introduces them to you. Continue reading

50 Sentimo

Sa taas ng presyo ng mga bilihin ngayon, ano na nga ba ang halaga ng kalahati ng piso? Ano ang mabibili sa sa 50 sentimos? Wala akong maisip. Kahit sa isang juicy fruit gum na dati’y 25 centavos lang, hindi na nga ata ito kasya. May mga panahong 50 sentimos lang ang mga paborito kong Chocnut at Chocobot, at lumipas na ang mga panahong iyon.

Kaya kapag sumakay ka sa dyip papunta sa kasunod kanto at nag-abot ng walong piso pero hindi ibinalik sa iyo ng drayber o konduktor ang sukling 50 sentimo ngayon, ano ang ginagawa mo? Continue reading

Pinoy Big Brother Teen Edition

Ipinakilala na kagabi ang mga housemate sa Pinoy Big Brother Teen Edition ng ABS-CBN. Nakakaliw yung presentation. SA VTR ng pagpapakilala sa housemates ay mga cartoons na kamukha ng mga nila. Pagkatapos, bawat isa’y dumating nang nakaangkas sa motorsiklo.

Narito ang listahan ng mga tatambay sa bahay ni Kuya ngayong summer. Ang mga datos ay base lamang sa napanood ko, kaya’t hindi gaanong kumpleto. Isa nga lang ang nakuha ko ang apelyido dahil sa damit na suot niya sa VTR. Continue reading

Ang UP at ang munting pasista

Noong nasa UP pa ako, may kaibigan ako sa Collegian na binigyan namin ng pet name na “Pasista.” Naniniwala kasi siya noon na makatutulong sa bansa ang isang anyo ng pasismo.

Ang “pasistang” ito’y kasama namin sa pagsusulat tungkol sa komersyalisasyon ng edukasyon, karahasan ng ilang fraternities, at pagbabalik ng tropang Kano–malalaking isyu sa ilalim ng isang bigating pangulo. Ngunit kahit noo’y nakakapraning din ang maaaring gawin ni Joseph Estrada–alalahaning dati siyang masugid na tagasunod ni Ferdinand Marcos–hindi naman umabot sa puntong umusbong ang pasismo, lalo pa’t kaagad na napatalsik si Erap.

More >>

Tungkol Kina Sharon at Brian

Tungkol ito kina Sharon Cuneta at Brian Viloria. Wala silang anumang relasyon. Sa pagkakaalam ko, ha? Nagkataon lang na naisip kong magsulat tungkol kay Sharon habang nanonood ng talambuhay ni Brian sa Magpakailanman.

Tungkol kay Sharon muna. Noong nakalipas na Linggo, matapos naming manood ni Mhay ng isang docu tungkol sa Da Vinci Code, dapat ay matutulog na kami dahil uuwi pa ako sa Maynila kinabukasan. Kaya lang, biglang nakita namin sa TV na palabas pala ang concert ni Sharon. Siyempre nanood muna kami at nakikanta ng “Sana’y Maghintay ang Walang Hanggan” at iba pang awitin ni Sharon.

Kagabi naman, napanood ko sa Saksi na pasado at nag-top 2 pa sa exam ng UP Open University si Sharon. Asteeg. Ngayon, di lang si Kiko ang schoolmate namin, pati si Ate Sha na rin.

Nga pala, gaya ng Mama ni Mhay, Sharonian din ako.
Continue reading

Muling Pagkabuhay

Sa muling Pagkabuhay, nabuhayan naman ng pag-asa ang mga nakapila sa bitay. Muli kasing ini-announce ni Ate Glo ang kanyang policy sa death penalty. Weird lang na kailangang i-reiterate ang obvious (na never pang may nabitay under her presidency and her “presidency.”) Siguro may gusto siyang mabuhay.

Nabuhay na kaya?