Wowowee Tragedy

Halos iisa ang kanilang mga istorya, at ang mga kuwentong ito’y hindi kawili-wili: nagkakaedad o may edad na matandang babaeng naghihirap sa buhay. Sa kawalang pag-asa, nawili sa programa ni Willie Revillame ng Wowowee sa ABS-CBN. Ang nakakaaliw na palabas ay nagtatampok ng mga palarong sinasalihan ng karaniwang tao, ng masa–sila ang star ng programa. At higit sa lahat, kapag sinuwerte ang mga sumasali, mananalo sila ng premyo. Wowowee, sino nga naman ang hindi mawiwili?

Kaya naman sa unang anibersaryo ng kanilang paboritong programa, sila’y sumugod sa Philippine Sports Arena o ULTRA. Malalaki ang mga papremyong ipinangako sa kanila. Sinong naghihikahos ang hindi magbabakasakaling maambunan ng suwerteng ipinamimigay ng mga sponsor ng programa ni Willie? Continue reading

Workers Will Wear Red Armbands Today

Photo by Jerry Tieng | hosting by Photobucket In response to the call of Magdalo rebel soldiers, militant workers, drivers, urban poor organizations and other allied groups such as Bayang Nagkakaisa para Palayasin si Arroyo will flood to the streets wearing red armbands on today, according to a labor group.

“Pulang bigkis sa braso ang simbolo ng aming pagkamuhi sa walang pusong pamahalaan at patuloy na pag-tetengang-kawali nito sa matagal na naming hiling na legislated 125 wage hike,” said Kilusang Mayo Uno national chair Elmer “Ka Bong” Labog.

Meanwhile, Bayan Muna recently announced that a jogging protest dubbed as “Takbo Kontra Balikatan” will be held on Sunday, February 19, 7 a.m., in line with the joint RP-US Balikatan exercise in Jolo, Sulu. Converging point will be at Luneta along Roxas Boulevard and will proceed to US Embassy where a brief program will be held.

Puwedeng makipag-textmate?

Note: sa mga naghahanap ng text messages na pwedeng ipadala sa inyong textmates, pumunta lamang sa www.ourdailytxt.com.

Noong gabi ng Pebrero 2, nakatanggap ako ng ganitong mensahe: “Hi wud u b my txt m8”

Sagot ko: “Cno po cla?

Txter: “!m eLLa tga san juan po a,s,l u po

Txter: “!m eLLa tga san juan po a,s,l u po

Sagot ko: 53, male, novaliches. San mo nakuha number ko?

Txter: “Wla create me lng”

Txter: “Wla create me lng”

Txter: “Bye n”

Txter: “Bye n”

Txter: “Anp tanda u n pla”

Txter: “Anp tanda u n pla”

End of conversation. Hehehe.

Pamamahala at Paglilingkod

Naniniwala akong ang pangunahing dahilan ng pag-iral ng gobyero ay upang tugunan ang pangangailangan ng mga nasasakupan nito. Kaya naman isang malaking kabalintunaan para sa akin ang pagkakaroon ng isang pamahalaan kung ang mga namamahala, sa halip na naglilingkod, ay umaaktong mistulang mga diyos.

Pambansang Kamao

Tila may People Power sa mga lansangan ng Maynila at lungsod ng Quezon noong Enero 27, Biyernes.

Sa mga sidewalk at kanto, nagtipon ang mga tao. Yung iba, pati sa gitna ng kalsada, ang mga sasakyan ay hinamon ng patintero. May mga inabot ng ulan, atmay mga di nagsawa sa kakalakad-takbo. May mga naghagis ng confetti, at may mga nagsindi ng pailaw. Ang lahat ng ito, bahagi ng pagbubunyi at pagsalubong sa “Pambansang Kamao,” si Manny Pacquiao, na nagpatumba sa Mehikanong boksingero na si Erik Morales. Continue reading