Sigwa ng Enero 27, 2006

Tumatagaktak ang pawis ko kahit ang kalahati ng katawan ko ay napapatakan ng mahinang ambon. Patuloy na kumakapal ang tao. Di magkamayaw. May nagsasalita, may tumatawa. Ilang sandali pa’y lalong umingay ang paligid. Dumagundong ang tunog ng tambol. Nagkagulo na.

Pumapasok na ang float ni Pacman aming bakuran.

Panlasang Dayuhang Di At Home sa Jollibee

Sa amin sa Marinduque, kapag may isang taong nagpipilit na gawin ang isang bagay–trying hard kumbaga–sinasabihan siya ng iba ng “Ano baga’t naata-ata ka n’yan, ay indi mo naman pala kaya?”

Medyo mahirap magbigay ng rough translation, pero sa tingin ko, gets na naman ninyo, di ba?

Anyway, may kababayan akong nag-YM sa akin ng isang link. Tungkol daw sa isang Amerikano na nag-comment tungkol sa Jollibee. At dahil Jollibee fan, excited kong binasa ang blog entry na ito. Akala ko, magkokomento ang sumulat na si Pamela Ribon tungkol sa kakaibang sarap ng paborito kong fastfood na kopya, pero nagpataob, sa McDonalds nila.

But no! Sobrang ganado ang tinamaan ng magaling sa pagkukuwento kung paano sila nasuka-suka sa mga hain ng Jollinee–mga pagkaing bukod sa araw-araw na nilalantakan ng milyun-milyong mga Pinoy ay kumakatawan din sa tamis ng panlasang Pilipino! Continue reading “Panlasang Dayuhang Di At Home sa Jollibee”

Buhay Bata: Ang Sitwasyon ng Batang Pilipino

IMBESTIGADOR SPECIAL REPORT
Buhay Bata: Ang Sitwasyon ng Batang Pilipino
Enero 28, 2006

May P1.3M ka ba? Iyan daw ang kailangan ng mga magulang ngayon para suportahan ang isang bata hanggang matapos sa kolehiyo. Pero sapat lang ito kung sa probinsiya at sa pampublikong paaralan mag-aaral ang bata.

Ilan sa mga magulang ngayon ang may ganitong pondo?

Ano ang tsansa sa buhay ng 300,000 bata na ipinapanganak taun-taon na mahina ang isip dahil sa malnutrisyon ng ina? Masasama kaya siya sa 30 porsiento ng mga batang kulang sa timbang? Makakasama kaya siya sa 30 porsiento na hindi aabot ng grade 6? Continue reading “Buhay Bata: Ang Sitwasyon ng Batang Pilipino”

Sina Judy Ann, Piolo, at ang Pagpapakatotoo

Don't Give Up On UsNapanood namin kamakailan ang pelikulang “Don’t Give Up On Us” ng Star Cinema. Bida rito sina Judy Ann Santos at Piolo Pascual.

Para sa mga matagal nang hindi nakakauwi at wala nang masyadong balita tungkol sa mga bituin ng pinilakang tabing dito sa ating bansa, maaaring hindi pamilyar sa inyo ang mga pangalang iyan. Siguro’y sina Guy and Pip–o sa mga mas bata, sina Sheryl Cruz at Romnick Sarmenta–pa ang pinakamainit na loveteam noong lisanin ninyo ang Pilipinas. Continue reading “Sina Judy Ann, Piolo, at ang Pagpapakatotoo”