09205400971 at 09197292678 — Text Scammers

(Updated) Hindi ko ugaling mag-post ng number ng ibang tao sa mga pampublikong lunan gaya nitong aking blog, pero ibang kaso ito.

Kani-kanina lang, nakatanggap ako ng isang mensahe galing daw sa SmartZED na nagsasabing nanalo ako ng 500 pisong load. Mukhang credible ‘yung text. Sa unang tingin ko, medyo maayos ang grammar (pero kapag binasa nang maayos, hindi pala–hindi marunong gumamit ng punctuation yung nagpadala). At alam kong minsan ay may mga ganitong promo ang Smart. Eh siyempre, natuwa ako. Para sa mga kitikitext pero ordinaryong empleyado lang kagaya ko, malaking bagay na ang 500 pisong libreng load. Continue reading “09205400971 at 09197292678 — Text Scammers”

Para sa mga Pilipino sa Internet

Kamakailan ay isang liham ang ipinadala ko sa mga kaibigan kong netizens–o citizens of the Internet: ‘yung mga gaya kong araw at gabi ay nakababad sa harap ng computer at connected sa Internet dahil sa trabaho, o dahil nakahiligan lamang.

Ang sulat ay naglalaman ng panawagang sa pamamagitan ng Internet ay tulungan sana natin ang isang Pilipinong batang may dagliang pangangailangang maoperahan at mapalitan ang atay. Mahigit tatlong milyong piso ang kailangan ng kanyang mga magulang, at naisip kong sa dinami-rami ng Pilipinong konektado sa Internet, posible tayong makatulong na malikom ang perang kainakailangan sa pamamagitan ng pagpapasa o pagpapaalam ng impormasyon sa iba.

Hayaan ninyong ibahagi ko rin sa inyo ang liham: Continue reading “Para sa mga Pilipino sa Internet”