Pirma para sa katotohanan

Photo from Congress.gov.ph | hosted by Photobucket.com

Ang tanong ni Marinduque Rep. Edmund Reyes, “Wala na bang pipirma para sa katotohanan?” May 73 na raw silang pirma para maipadala ang impeachment complaint laban kay Gloria Arroyo sa Senado. Anim na lang ang kailangan.

Katahimikan ang isinagot sa kanya ng mga kapwa mambabatas, at tinira pa siya ng ilang kasapakat ni Arroyo.

Kung hindi madadala sa Senado ang impeachment, mananatili ang mga tanong sa isipan ng mga tao tungkol sa “Hello Garci”, sa Juetengate, at iba pang kontrobersiya. Mananatili ang pagdududa sa karapatan ng reyna na manatili sa Palasyo. Continue reading

Araw ng Paghuhukom

Nakatakdang desisyunan sa araw na ito ang ang impeachment complaints sa Committee on Justice ng House of Representatives. Sana’y mangibabaw ang konsensiya ng mga mambabatas natin. Sana’y kumampi sila sa katotohanan. Babantayan sila ng bayan at huhusgahan ng kasaysayan.

Para kay Senador Raul Roco

Pumanaw noong Agosto 5 sa edad na 63 ang isang pinunong nagtiwala at tinitingala ng mga kabataan, si dating Senador Raul Roco.

Dating lider-estudyante, si Roco ay naging pinakabatang pangulo ng National Students of the Philippines. Bukod pa sa kanyang matalino at magiting na papel sa impeachment trial laban kay dating Pangulong Joseph Estrada, maalala rin si Roco bilang senador na dalawang beses na tumayo para sa pambansang soberanya. Noong 1991, tinutulan niya ang pagpapanibago ng US military bases, at noong 1998, nilabanan niya ang Visiting Forces Agreement.

Kabilang sa mga pinakamalaking pamana niya sa kabataan ay at ang paglilinis niya ng katiwalian sa Department of Education, at ng pagsusulong ng libreng edukasyon sa pamamagitan ng pagtatanggal sa kung anu-anong kontribusyong sinisingil sa mga mag-aaral ng pampublikong paaralan. Siya rin ang nagsulat ng ?Study Now, Pay Later? program, noong siya?y chief of staff pa ni Ninoy Aqino.

Dalawang beses tumakbo sa pagka-Pangulo si Roco. Dalawang beses ding iba ang pinili ng mga Pilipino. Bagamat noong 2004, ang mga botanteng naniwala at umasa sa pagbabago?sa pagbangon ng bagong Pilipinas?ay nahati sa pagitan nina Roco at Bro. Eddie Villanueva, ang dalawang kampo ay magkasama sa patuloy na pagususulong ng mga prinsipyo ng People Power 2: katotohan, katarungan, malinis at maayos na pamamahala.

Sa kabila ng kanyang karamdaman, patuloy na nakisangkot si Roco sa pambansang usapin. Nang pumutok ang kontrobersiya ng ?Hello Garci,? tulad ni Villanueva ay sinabi niyang dapat nang bumaba sa puwesto si Gloria Macapagal-Arroyo. “Por la patria, resign now,” wika niya. “The problem is they cheated, yet they don’t want to resign. That’s the issue. That is shameful,” saibi pa ni Roco sa isang panayam ng Inquirer.

Bagamat dalawang ulit na ipinagkait sa kanya ang pagkakataong maangkin ang karangalang pagsilbihan ang bayan bilang Pangulo ng Republika, higit na magiging mahalaga ang kanyang mga pahina sa aklat ng ating kasaysayan kaysa sa ibang nakaupo sa trono ngunit binalasubas ang bayan.

Habang pinapanood ko ang 2004 campaign MTV ni Roco matapos kong mabalitaan ang kanyang pagpanaw, tumimo sa aking isipan ang mga linyang ito:

May isang salita at prinsipyo.

Naiisip ko ang nakaupo ngayon sa posisyong ninais ni Roco, at nalulungkot ako. Hindi ko maintindihan kung mas nangibabaw sa eleksyon ang isang taong iba ang sinasabi kaysa sa ginagawa. Nakakapagtakang mas nanaig ang isang pulitikong nag-ipon ng political debts kaysa sa isang lingkod?bayang hindi nangangambang hihina ang kanyang kampanya kahit ayaw niyang tumanggap ng kontribusyon sa mga tao at negosyong kanina-hinala ang intensyon. Pero kapag tumutunog sa cellphone ko ang ?Hello Garci,? nauunawaan ko kung bakit nagkaganoon.

Huwag nating ipanakaw ang bukas.

Naiisip ko ang nakaupo ngayon sa posisyong ninais ni Roco, at nagagalit ako. Hindi ko maintindihan kung bakit kahit maliwanag pa sa sikat ng araw na ninakaw ang boto ng bayan, nananatiling nakaupo ang umagaw sa ating karapatang pumili. Kahit tumunog muli ang ?Hello, Garci,? nagtataka pa rin ako.

Naiisip kong sana, alang-alang sa alaala ni Roco, maisip nating tumayo at bawiin ang karapatang inagaw sa atin.

Paminsan-minsan lamang dumarating sa atin ang mga kagaya ni dating Senador Raul Roco. Kadalasan, hinahayaan lang natin silang mag-isang pagsumikapan ang isang bagong Pilipinas. Pero sa kanilang paglisan, inuulan natin sila ng parangal at papuri. Nawa?y hindi manatiling ganito ang katapusan ng kuwento ng mga totoo at makabayang lingkod ng bayan.

World Youth Day, err, Denied

VISA DENIED! Hosted by photobucket.comThe World Youth Day participants in Germany are now eagerly looking forward to meeting Pope Benedict XVI in Cologne two days from now. Meanwhile, those of us who had to remain in the Philippines because the German Embassy denied our visa application–effectively banning us from the gathering–are back in our offices, schools, or churches. Although we feel really hurt and disappointed, we understand that life must go on.

Last night, Mhay and I visited the office of Alab ng Kabataang Pilipino (AKAP) to get our passports and request for refunds. As we entered the AKAP office, I felt like I was attending a neighbor’s wake. There were some familiar faces, but the atmosphere was gloomy. The usual cheerful mood is gone, and I was attacked by this awkward feeling when you do not know what to say or how to start a conversation. It was like having trouble speaking with one whose relative just passed away. In this case, I did not know what to tell these people who, like me, had failed dreams of going to a foreign land, share experiences with other young people from other countries, and of course, meet the one who replaced our dear Pope John Paull II. Continue reading

Harry Potter: Ikaanim na Aklat

Harry Potter and the Half-Blood Prince (from Wikipedia)

Salamat sa kanyang may-akda, si J.K. Rowling, muling nakapiling ng kanyang mga tagasubaybay si Harry Potter. Kabilang ako sa mga natuwa sa paglabas ng ikaanim na aklat, ang Harry Potter and the Half-Blood Prince.

Duda akong meron sa inyong hindi pamilyar sa kuwento ni Harry Potter–paano’y bukod sa anim na mga libro ay may tatlong pelikula nang nagsasalaysay ng kanyang kasaysayan. Pero sa mga matagal na nagbakasyon sa Pluto, si Harry Potter ay isang batang wizard na nagpapalipat-lipat sa ating mundo at sa mundo ng mahika. Ulila na siyang lubos kaya kapag nakabakasyon siya sa Hogwarts, ang paaralan ng mga batang may kapangyarihang tulad ng sa kanya, nakikitira siya sa bahay ng tiya niyang ordinaryong tao. Ang kanyang mga magulang ay pinatay ng isang alagad ng kadiliman — si Lord Voldemort, na ang pangalan pa lamang sapat na upang manginig sa takot ang marami sa mga kauri ni Harry Potter.

Pero iba ang ating bida. Siya ang itinuturing na mortal na kaaway ng masamang si Voldemort. Nakaligtas kasi siya sa nakamamatay na sumpang ipinukol ng Dark Lord sa kanya at sa kanyang mga magulang. Bagamat ang kanyang mga magulang ay nasawi, si Harry Potter ay iniligtas ng pagmamahal ng kanyang ina. Nabuhay siya at isang pilat sa noo lamang ang naging palatandaan ng mapait na karanasang iyon.

Nang sinisimulan ko nang basahin ang aklat, naramdaman kong parang muli kong nakasama ang ilang kaibigang ilang panahon ko ring di nakita at nakausap. Nakakatuwang muling mabasa ang mga pamilyar na karakter — sina Harry Potter, ang mga matatalik niyang kaibigang sina Ron at Hermione, at ang mundong kanilang ginagalawan. Ganyan kahusay ang panulat ni Rowling. Ang mahikang nilikha niya sa kuwento ni Harry ay tila may kapangyarihang tumatagos sa ating daigdig upang pansamantala tayong dalhin sa loob at labas ng Hogwarts. Sa ating imahinasyon, nabubuhay at nagkakatotoo si Harry Potter at ang kanyang mga kaibigan.

Kakaiba ang ikaanim na aklat. Ito ang pangalawa sa huli sa serye ng pitong aklat, kaya naman malaki ang papel na ginagampanan nito sa paghahatid sa atin sa kasukdulan ng kuwento ni Harry Potter. Dito natin nasasaksihan ang paglaki at paggulang ng mga batang tauhan. Kasabay ng pisikal nilang paglaki, unti-unti nilang nararanasan ang mas matitinding pananagutan at mas mabibigat na pakikipagsapalaran.

Sa ikaanim na aklat, mas mapapalapit si Harry Potter sa kanyang dakila at makapangyarihang tagapag-alaga, si Albus Dumbledore na pinuno ng Hogwarts. Dito’y lulunurin tayo ng mga eksena ng pagmamahal at pagkalinga at di-matitibag na katapatan.

Isasalarawan din ng ikaanim na aklat ang matiwasay na pagtanggap sa pag-iisa at pagpapakatatag sa kabila ng paglisan ng mahal sa buhay. Gayundin, ipakikitang ang kadakilaan ng isang tao ay susukatin sa kung paano niya ginugol ang kanyang buhay at kung paano siya nakitungo sa kanyang kapwa.

Si Harry at ang kanyang mga kaibigan ay mahaharap din sa kumplikadong usapin ng tunggalian sa pagitan ng pag-ibig at pagkakaibigan at pag-ibig at pakikipagsapalaran.

Gaya ng dati, nakakaaliw at exciting ang mga pahina ng kuwento ni Harry Potter. Sa aklat na ito, mas marami ang mga eksenang may kilig at madamdamin. Ngunit ang pinakamahalaga sa lahat, itinatampok nito ang pagkakaibigang walang iwanan — na minsa’y sa mga istorya lang matatagpuan — at ang patuloy na pagpupunyagi ng kabutihan laban sa kasamaan.

Willy Wonka! Willy Wonka!

Image from http://chocolatefactorymovie.warnerbros.com, hosted by Photobucket.com Nanood kami ni Mhay ng Charlie and the Chocolate Factory kagabi. Sabi niya, siguradong magugustuhan ko ‘yung pelikula kasi mahilig ako sa tsokolate. Totoong mahilig ako sa tsokolate at sa marshmallow. Siguro dahil sa maliit pa ako’y gustung-gusto ko na ang mga ito at siguro, hindi sapat sa gusto ko ang nakuha ko noon. Parang kumbaga, bitin, kaya ‘di ko na naiwan-iwanan hanggang sa ngayong tumanda na ako. Di ba, mayroon yatang teorya sa psychology na tungkol sa ganito? Continue reading

Reconsidered

Na-reconsider daw ang application namin ng visa para sa . Mamayang hapon malalaman ang final answer ng embahada ng Alemanya sa Maynila.

Napabalita kahapon na mahigit 50 pang kabataang Pilipino na nais makadalo sa World Youth Day ang pinagkaitan din ng visa na ikinadismaya ng Simbahan. Dahil sa ganitong sunud-sunod na pagtanggi na makadalo ang mga Pinoy at iba pang kabataan mula sa mahihirap na bansa, dismayado rin daw ang mga kabataang Aleman.