Kung Bakit Dapat Magbitiw si Arroyo

(Unang nalathala sa Pinoy Gazette)

Gaya ng marami, masaya ako nang manumpa na si Gloria Macapagal Arroyo bilang bagong Pangulo noong 2001. Ipinangako niyang pangungunahan ang laban sa kahirapan, iaangat ang batayang moral sa pamumuno, isusulong ang bagong pulitika, at magiging halimbawa ng isang mabuting pinuno.

Hindi maitatangging may pagtatangka ang pamahalaang Arroyo na totohanin ang pagsugpo sa kahirapan. May mga konkretong programa ito na siguro kung maipagpapatuloy ay makakatulong, bagamat hindi tuluyang makalulutas sa problema ng kahirapan. Continue reading

Bagong Hello Garci Joke

Forwarded sa akin akin ni Mhay. Joke joke joke lang po, huwag sanang magagalit ang mgataga-Lagablab, Pinoy Pride, at iba pa:

Kung nag-sward speak lang sana sila, di walang gulo ngayon:
Female voice: Halloo Gracia! Halloo! Halloo!
Male voice: Mudra! Nachukchak ko na po ‘yung mga chuva!
Female voice: Bongga! Yung mga che chenes, keri na ba?
Male voice: Winnie Santos muder, wa na wiri ke aling Minda! Now na!
Female voice: Ganda ever!
End of story, unless i-translate ni You-Know-Who!

Warm Bodies 2: Mainit-Init Pa!

Image hosted by Photobucket.comA few days after Harry Potter Book 6 hit the market, Filipino bloggers today released Warm Bodies 2: Orange Sunset, the second in the series of Warm Bodies ebooks.

Warm Bodies ebooks are collections of select blog entries by Filipino bloggers.

“The unified theme for this offering is Change, compiling select bloggers’ interpretation of the only thing that a cliché brands permanent in the universe. Aside from sequels, that is–movies and revolutions aside,” writes editor Oscar Alvarez Jr. Continue reading

RSS ng INQ7.net

Huli na pala ako sa balita. Pero salamat sa blog ni James Sarmiento, nalaman kong may RSS na pala ang INQ7.net. Matagal na pala itong nai-announce ni Joey Alarilla sa blog niya, hindi ko lang nabasa.

Ang ibig sabihin ng RSS ay really simple syndication. Isa istong file format. Sa pamamagitan nito, ang bahagi ng nilalaman ng isang website ay maaaring gamitin ng iba pang sites. (Basahin sa Wikipedia ang mas malawak na impormasyon.) Halimbawa, sa kaso ng INQ7, ang headlines nila ay pwede kong i-display sa isang bahagi ng aking website sa pamamagitan ng RSS feeds nila. Awtomatiko itong maa-update nang wala akong ginagalaw. Continue reading

Kasal ni Darna

Nga pala, ikakasal na mamaya si Darna!

Sabi sa iGMA.tv:

“You are cordially invited to the Narda-Efren Nuptials on July 22, 2005. After the ups and downs of their relationship, local television’s most lovable couple is finally tying the knot! “

Young People form All Over the World to Meet in Cologne

VATICAN CITY, JUL 19, 2005 (VIS) – “I wish formally to announce that the next World Youth Day will take place in 2005 in Cologne, Germany. In the great cathedral of Cologne the relics of the Magi, the Wise Men from the East who followed the star which led them to Christ, are honored.”

With these words, pronounced during the Angelus at the 19th World Youth Day (WYD) in Toronto, Canada, in 2002, John Paul II announced the next pilgrimage of young people from all over the world. WYDs were established in 1984, the Holy Year of Redemption, to reaffirm the Church’s interest in youth. This year, the young people meeting in Cologne from August 16 to 21 will consider the theme: “We have come to worship Him,” the words with which the Wise Men of the Gospel of St. Matthew reveal the reason for their own pilgrimage. Continue reading

Kung Bakit Dapat Magbitiw si Arroyo

Gaya ng marami, masaya ako nang manumpa na si Gloria Macapagal Arroyo bilang bagong Pangulo noong 2001. Ipinangako niyang pangungunahan ang laban sa kahirapan, iaangat ang batayang moral sa pamumuno, isusulong ang bagong pulitika, at magiging halimbawa ng isang mabuting pinuno.

Hindi maitatangging may pagtatangka ang pamahalaang Arroyo na totohanin ang pagsugpo sa kahirapan. May mga konkretong programa ito na siguro kung maipagpapatuloy ay makakatulong, bagamat hindi tuluyang makalulutas sa problema ng kahirapan.

Nagbigay rin ng maraming trabaho ang administrasyong Arroyo. Nakita ninyo ?yung maraming nagwawalis sa kalsada ng Kamaynilaan noong panahon ng kampanya? Programang pangtrabaho ng Pangulo iyon. Ewan lang natin kung asan na ang mga magwawalis isang taon pagkatapos ng eleksiyon.

Oo?t may pagtatangka sa kanyang unang pangako, bumagsak si Gng. Arroyo sa tatlo pa niyang inilatag na balak. Ito sigurado ang dahilan kung bakit sinasabi ng mga aktibista na nagtaksil siya sa kanyang mga salitang binitawan noong People Power 2

Sabi niya, iaangat niya ang moral standards ng pamumuno. Pero ngayon, mismong ang kawalan ng moral ascendancy ang dahilan kaya?t nais siyang pababain sa puwesto ng marami sa atin. Ang kawalan niya ng palabra de honor ay malinaw na naipakita nang hindi niya tuparin ang sinabi niyang di siya na tatakbo noong 2004 upang hindi na raw siya maging dahilan ng pagkakawatak-watak ng ating bayan. Hindi rin natupad ang pangakong ito nang lantaran niyang gamitin ang government resources para sa kanyang kampanya bago ang halalan noong Mayo 2004.

Sabi niya, itataguyod niya ang bagong pulitika. Pero kabaligtaran ang nangyari, nangibabaw pa rin ang tradisyunal na pulitika at ang mga trapong kaalyado niya. Inilagay niya sa puwesto ang mga kaibigan ng kanyang asawa at ang mga pinagkautangan niya ng loob sa EDSA 2 at sa kampanya noong 2004.

Sabi pa ni Gloria, siya?y magiging halimbawa ng isang mabuting pinuno. Ngayon, binabato siya ng mga batikos dahil sa kontrobersiyal na Hello Garci tapes. Kamakailan, inamin niyang nakipag-usap nga siya sa isang opisyal ng Commission on Elections noong panahon ng bilangan. Dahil sa pahayag na iyan, nasiguro nating sa kanya nga ang boses ng babae na tinatawag na Ma?am ng lalaking kung tawagin ay Garci. Ayon sa kanya, ?lapse of judgment? ang ginawa niya at pinagsisisihan niya ito. Pero hindi raw totoong nandaya siya.

Kapag pinakinggan mo ang tapes at binasa mo ang transcript, malalaman mo ang sinabi ni Garci na ?pagpapataas sa inyo? ay hindi nangangahulugan, ayon nga sa kolumnistang si Conrado de Quiros, ng pagpapatangkad sa kay Gloria.

At kapag narinig mo ang isang Pangulo na akusado ng pandaraya sa eleksyon na bumubulong sa isang opisyal ng Comelec ng ?yung dagdag, yung dagdag,? malalaman mong ?di siya nagsasabi ng totoo nang itanggi niya ang pandaraya sa halalan. Sa ganyang kalagayan, hindi masasabing siya?y nagiging halimbawa ng isang mabuting pinuno.

Napako ang apat niyang pangako matapos ang People Power 2. Nagsinungaling siya sa atin nang sabihin niyang hindi na siya tatakbo noong 2004, at binigyan tayo ng half-truths nang mag-sorry siya sa kanyang umano?y ?lapse of judgment.?

Usapin pa lamang ito ng mga pangako niya sa EDSA. Ibang isyu pa kapag sinuri naman ang kanyang mga programa at patakaran sa pamumuno.

Sa tingin ko, isang lapse of judgment kapag pumayag tayong manatili pa sa puwesto bilang Pangulo si Gloria Macapagal-Arroyo