World No Tobacco Day

It's okay to say you mindI learned from the Department of Health website that May 31, 2005 is “World No Tobacco Day.” Looks like the event wasn’t publicized since I haven’t heard any news about it.

At the site, there’s also a signature campaign in support of Senator Flavier’s bill 1554: Stop for Health Act (Stop Tobacco and Other Products for Health)–which, I later learned, is already a law called Tobacco Regulation Act of 2003. Continue reading

Isang katanungan

Malaki ang problema ng isang kaibigan ko. Mababakas ito sa text message na ipinadala niya sa akin:

“May itatanong ako sa ‘yo
Sana sagutin mo nang maayos
Wag ka sana magsisinungaling
Please, sabihin mo lang ‘yung totoo
Sana bukal sa loob mo ‘yung isasagot mo Continue reading

"Mukhang Guilty" Raw

Mapanudyo ang hirit ng mga kongresista ng Bayan Muna— sina Reps. Satur Ocampo, Teddy CasiƱo at Joel Virador–hinggil sa kasamahan nilang si Mikey Arroyo, na ang pamilya ay binabato ngayon ng mga bintang tungkol sa umano’y kaugnayan nila sa jueteng. Ganito ang sinasabi ng press release ng mga taga-Bayan Muna:

Mukhang guilty.

Thus said three Bayan Muna partylist congressmen today as they assailed presidential son and Pampanga Rep. Mikey Arroyo for deciding to soon leave the country in the midst of serious accusations that he and his father, First Gentleman Mike Arroyo, are involved in the illegal jueteng numbers game.

Continue reading

Disenyong Pilipino

Hindi lamang sa wika may identity crisis ang ating lipunan. Pati sa mga disensyong inilalagay sa mga damit, sa palagay ko’y may problema rin. Halos wala kang makikitang disenyong taal na Pilipino sa mga damit na ibinebenta ng mga lokal na brands natin.

Pati ang Bench at Penshoppe na mga nangungunang Pinoy na tatak ng damit, tila nagpipilit maging mukhang dayuhan. Continue reading

Juetenggate 2?

Inuulit daw ng kasaysayan ang kanyang sarili.

Napilitang umalis si dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada sa Palasyo ng Malaca?ang dahil sa pagkakasangkot sa ilegal na sugal na jueteng. Ibinuking kasi siya ng kanyang kabarkadang si Chavit Singson na pati siya’y kumikita rin sa jueteng. Lalong nagalit ang bayang noo’y punung-puno na sa kalabisan ng rehimeng Estrada. At naganap ang People Power 2.

Nagmamadaling umakyat sa puwesto si dating Pangalawang Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Pero kahit pangulo na, hindi maiwasang masangkot ang kanyang pangalan sa jueteng dahil sa kaugnayan niya kay Bong Pineda, na ayon sa mga ulat ay pinaghihinalaang isang jueteng lord. Ninang kasi si Arroyo ng isa sa mga anak na lalaki ni Pineda.

Ang sagot ni Arroyo nang kapanayamin siya noon ng Time magazine tungkol dito, hindi raw siya nakikipag-inuman o nakikipaglaro ng mah-jong sa mga katsokaran ni Pineda. (Siyempre, patama ito kay Erap na nagkaroon ng midnight drinking cabinet noong kanyang panahon sa Palasyo.) Sa katunayan, noong kunin daw siyang ninang, pinayuhan siya ni Jaime Cardinal Sin, dating arsobispo ng Maynila, na bilang Kristiyano ay hindi niya ito dapat tanggihan dahil ang kasalanan ng ama ay hindi kasalanan ng anak.

Nakasama sa suwerte ni Arroyo ang mga sumama sa People Power 2 tulad ni Chavit Singson, kahit siya mismo?y jueteng lord noong panahon ni Estrada. Nabigyan pa nga siya at ang kanyang kapatid ng puwesto sa pamahalaan. Samantala, pumustura naman laban sa jueteng si Arroyo. Agad na binuo ng kanyang administrasyon ang Task Force Jericho na rumatsada laban sa jueteng at iba pang legal na pasugalan. Nanindigan din siya laban sa pagsasaligal ng sugal. Wika rin ng Pangulo, trabaho raw ng Kongreso na desisyunan ang usaping ito.

Muling nabuhay ang isyu sa kaugnayan sa jueteng ng pamilya ng kasalukuyang Pangulo nitong mga nakalipas na linggo, lalo na nang magbigay ng testimonya sa Kongreso si Archbishop Oscar Cruz. Bukod sa pagiging arsobispo ng Lingayen-Dagupan, lider din siya ng Krusadang Bayan Laban sa Jueteng, isang multi-sectoral watchdog na pinangungunahan ng Simbahang Katoliko. Sinabi ng obispo na may 13 bilyong piso taun-taon ang inilalabas ng mahigit isang dosenang gambling lords upang suhulan ang mga opisyal ng gobyerno. Kahit hindi naman sila tuwirang isinangkot, kinuwestiyon ni Juan Miguel”Mikey” Arroyo ang mga sinabi ng obispo at ang kredibilidad ng mga pinagkunan niya ng impormasyon. Nababanggit na kasi noon sa mga ulat sa media ang kanilang pangalan.

Si Unang Ginoo Jose Miguel “Mike” Arroyo naman, humirit ng ganito: ?We are not stupid to get involved in an issue that deposed former President (Estrada).” Oo nga naman. Kaya lang bakit kaya ayaw silang tantanan ng intriga?

Nitong linggong ito lang, may mga testigong diretsahan nang nag-ugnay sa mag-amang Arroyo sa jueteng. Sabi ng isa, nangolekta raw siya ng pera mula sa mga jueteng lord para sa isang dating tauhan ng Palasyo, at naniniwala siyang napupunta sa Unang Ginoo ang pera. Ang sabi naman ng isa, tumatanggap daw ng allowance mula sa mga jueteng lords ang anak ng Pangulo.

Kapag sinuring maigi, tila wala ngang basehang direktang mag-uugnay sa mag-ama sa jueteng ngayon. Pero sabi nga ni Senador Panfilo Lacson, marami pang maaring mangyari. Sa pagkakataong ito, mauulit kaya ang kasaysayan?

The Filipino Mind

Bookmarked for further reading: The Filipino Mind

To think critically, to exchange serious thoughts about the roots of the socioeconomic-political predicament of our fellow countrymen and homeland, to educate ourselves about our nationalist history, to foster Filipino nationalism, to learn from the nationalist outlook of Filipino intellectuals and those of our Asian neighbors; all therefrom to plan, decide and act for the “common good”, most especially for the impoverished majority.