Crash

Ngarag sa office kahapon. Nagulat at nalungkot kami sa isa na namang aksidente. Isang helikopter ng Philippine Air Force ang bumagsak at siyam ang napatay, kabilang si dating Phivolcs director Raymundo Punongbayan.

Kinailangang maghanap ng profile ng mga biktima at mga datos tungkol sa military aircraft ng ating tanggulan. Noong bandang hapon ay naatasan akong itala kung alin sa mga modelo ng aircraft na nasa listahan ang eroplano at alin ang helikopter. Naalala ko ang kaibigan naming si Timothy. Kako’y mas naging madali sana ang trabaho ko kung puwede ko siyang tawagan at kulitin tungkol sa mga eroplano at helikopter. Continue reading “Crash”

Juliet Chavez

Image hosted by Photobucket.comNoong isang gabi, dumalaw sa GMA Network Center si Juliet Chavez, ang umano’y kauna-unahang Agta o Dumagat na sumali at nanalo sa beauty pageant. Sinamahan siya ng reporter namin na si Dan Campilan at ipinakilala sa mga Kapuso. Tulad ng mga reporter, manunulat, at iba pang katrabaho, nagpakuha rin ako ng larawan kasama si Juliet.

Nauna nang nakita ng personal ni Juliet si Angel Locsin. Dumalo siya sa pagdiriwang ng kaarawan ng sikat na artistang gumanap na Darna. Continue reading “Juliet Chavez”

Luksa sa Opisina

Balot ng kalungkutan sa newsroom ng GMA-7 ngayong linggong ito. Pumanaw kasi sa isang aksidente ang isa sa mga video editors namin na si Reden de la Merced. Inaalala siya ng mga kasamahan naming malapit sa kanya.

Ayon kay Angel, “The angels grew sad and called him to play.”

“Friday nights, Saturday mornings, Edit 5, the gazebo… they’ll never be the same again,” sabi naman ni Koryn. Continue reading “Luksa sa Opisina”

Namimigay ng Gmail invites

Hindi ko na malaman kung kanino ipamimigay ang Gmail invites ko. Andami kasi. Laging nababalik sa 50 kapag binabawasan ko. Kaya ibabahagi ko naman sa mga mambabasa kong wala pang Gmail address.

Just post a comment below and I’ll send you an invitation to create a Gmail account.

May ID Ka Ba?

Nitong mga nakalipas na araw, muntik-muntikan kong malimutan ang ID ko sa bahay.

Abala kasi sa opisina dahil ibinabalita namin ang pagluluksa ang mga Pinoy sa pagpanaw ni Papa Juan Pablo II. Tumutok din tayo sa Vatican at nag-antabay sa mga kaganapan doon, hanggang sa maibalita ang pagkakapili kay Cardinal Ratzinger na ngayo’y Pope Benedict XVI na.

Natulig din tayo sa patuloy na pagtaaas ng langis at nag-abang din sa kahihinatnan ng VAT bill sa Senado. Habang nagaganap ang lahat ng ito, may niluluto na pala ang Palasyo. Continue reading “May ID Ka Ba?”