Reklamador ng Bayan mode

Nasa biyahe na ako pauwi sa Marinduque. Okay na sana dahil walang mahabang pila o agawan sa upuan sa JAM/Tritran bus papuntang Dalahican, Lucena. Pero ang masakit, kahit presyong aircon ang binayaran, tumatagaktak pa rin ang pawis ko! Nataon ding ang nakuha kong upuan ay itong nasa pinakadulo na maya’t maya ay dumadausdos pa. Lagi tuloy kaming tumatayo ng mga katabi ko. Nakakainis isiping hindi sulit ang serbisyong kapalit ng perang ibinayad ko!

Sa pangasiwaan ng JAM/Tritran, di lang pala kayo sa mga manggagawa switik! Pati mga pasahero ninyo, hindi ninyo mabigyan ng serbisyong totoo. Aba’y pag-igihin ninyo ang inyong serbisyo. Dahil kung hindi, siguradong hindi kayo tatantanan ng Reklamador ng Bayan!

Ang StarStruck at mga Alaala ng Kabiguan at Tagumpay

Noong Biyernes na gabi ay nalaman na kung sino-sino ang 14 na maglalaban-laban para ituring na ultimate survivors sa palabas na StarStruck ng GMA-7.

Habang umaawit ang singer na si Kyla, ipinakita ang masasayang mukha ng mga pinalad. Isiningit din ang video ng mga nabigong makasali sa final 14. Kabilang ang anak ni Eddie Gil sa mga umuwing luhaan. Continue reading “Ang StarStruck at mga Alaala ng Kabiguan at Tagumpay”