Forwarded

“Seek out that particular mental attribute which makes you feel most deeply and vitally alive, along with which comes the inner voice which says, ‘This is the real me,’ and when you have found that attitude, follow it.”

~James Truslow Adams~

Conjunctivitis

‘Yan ang ginamit kong title dahil baka may usiserong makisilip at mapalayas pa ako rito sa Internet cafe na pinagsu-surf-an ko ngayon. Ikaw ba naman ang may katabing naka-shades sa isang may kadilimang silid na puno ng computers at makita mo ang taong ito na nagbabasa o nagsusulat ng tungkol sa sore eyes, kung hindi ka mapapatakbo palabas ng cafe.

Ilang araw na akong nagsi-self exile sa isang lugar sa dulo ng Kamaynilaan dahil ayokong magkalat ng virus o bacteria, kung anuman ito. Pero dahil di makatiis nang hindi nagche-check ng Gmail at kung anu-ano pa, eto na naman ako. Continue reading

Laban, UP Fighting Maroons!

“Hinihintay ko ang bawat laro ng koponan nating naghihingalo…”

Ganyan ang linya namin noong nasa kolehiyo pa lang kami. Paano kasi’y laging kawawa noon ang basketball team ng UP Naming Mahal.

Photo by Karl de Leon from Mimi Abesamis' album at photo.phHah, hindi na ngayon! Mabalasik nang lumalaban ang UP Fighting Maroons ngayon.

Kahapon nga, sa office, sobrang na-excite kami sa laban ng Maroons at Blue Eagles. Nakakanerbyos! Pero sa bandang huli, nangibabaw tayong mga taga-Peyups. Continue reading