Si Angelo de la Cruz bilang simbolo ng kasarinlan

(Isinubmit ko sa Pinoy Gazette ang article na ito noong Hulyo 14. Noo’y di pa pumapayag ang gobyerno na i-pull out ang tropang Pilipino sa Iraq.)

Paggising ko noong Hulyo 8, isang text message mula sa kaibigan kong si Maita Santiago ng Migrante International ang aking nabasa: “1 ofw nabihag n s iraq.t0todasn in 72hr unles fil trups out.kasalanan ito ni gl0ria.pinagpapalit nya buhay ng ofws 4 bush.pull out tr0ops n0w!”

Sa trabaho nang buong araw na iyon, ang pagkakabihag ng mga rebeldeng Iraqi kay Angelo de la Cruz, isang drayber ng truck sa Saudi, ang pinakamalaking balitang aming pinaglaanan ng panahon. Pupugutan daw siya ng ulo kapag hindi pinauwi ng Pilipinas ang peacekeeping troops nito na nasa Iraq. Continue reading “Si Angelo de la Cruz bilang simbolo ng kasarinlan”

Malaya na si Angelo de la Cruz

Pinalaya na si Angelo de la Cruz matapos makumpleto ang pag-alis ng Filipino troops sa Iraq. Narito ang ulat ng Aljazeera.net.

Samantala, praning lang ba ako, o sadyang nagkakaisa ang American media organizations sa paggamit ng “after Manila gave in to kidnappers’ demands” sa kanilang mga balita? Kadalasan, hindi binabanggit na ito rin ang demand ng mga mamamayang Pilipino.

Kasarinlan

Ilang araw nang nagpi-play sa isipan ko ang kantang “Kasarinlan” ni Florante:

Hindi habang panahong aasa sa iba,
ang bayan ko ay tatayo rin sa sariling paa.
Kasarinlan ay darating at ang lahat ay sasagana,
paglaya nang ganap ay mararamdaman.

Igala ang paningin sa mga kapaligiran,
maraming bagay ang maa-aring pagkakitaan.
Kasarinlan ang malagay sa matatag na kabuhayan,
paglaya nang ganap dapat maramdaman.

Tiyagaing abutin ang kaunlaran,
bangon na at tumulong sa bayan.
Ang isang kabuhayang may kaunlaran
ang susi sa daang patungo sa kasarinlan.

Magsanay gumawa at mag-isip mag-isa,
huwag umasang mayroong mga maa-awa.
Kasarinlan ang tumindig ng walang kinakapitan,
paglaya ng ganap dapat maramdaman.

Tiyagaing abutin ang kaunlaran,
bangon na at tumulong sa bayan.
Ang isang kabuhayang may kaunlaran
ang susi sa daang patungo sa kasarinlan.

Hindi habang panahong aasa sa iba,
ang bayan ko ay tatayo rin sa sariling paa.
Kasarinlan ay darating at ang lahat ay sasagana,
paglaya nang ganap ay mararamdaman

Kasarinlan ang magtiwala sa sarili ng lubusan.
Isang kasarinlan, isang kalayaan.
Continue reading “Kasarinlan”

Magandang Balita!

Photo from Aljazeera.net Palalayain at makakauwi na ang ating kababayang si Angelo de la Cruz.

Lumabas sa Aljazeera TV ang video ni Angelo na nagsasabing makakauwi na siya, ayon sa ulat ng GMA-7 at AFP na nakapaskil sa Inq7.net. “Wait for me, I’m coming back to you,” ang sabi raw ni Angelo sa Arabic translation ng Al-Jazeera. Wala kasing sound ang videotape.

Samantala, sa gitna ng mga pambabatikos ng mga Amerikano at mga bansang kasapi ng “coalition of the willing,” maiging basahin natin ang mga salitang ito ni Dan Mariano ng abs-cbnNEWS.com at Today:

“While we value the friendship and support of the United States, it is to the Filipino people that our government must ultimately answer.

“Weakness, vacillation, cowardice do not apply when a poor, struggling country stands up to the mightiest power on the planet for the sake and survival of one of its humble citizens. ”

Galing ‘yan sa article niyang Angelo the nonentity.
Continue reading “Magandang Balita!”