Seryoso

(Unang nalathala sa Pinoy Gazette)

May kumalat na joke sa text tungkol sa mga kandidato sa pagka-presidente. Sino raw ang dapat iboto?

“Si Gloria ba na walang isang salita? Si FPJ na ayaw magsalita? Si Roco na salita nang salita? Si Lacson na patay ka pag nagsalita ka? Si Brother Eddie na kapag nagsalita, may himala?”

May mga nagdagdag ng: “O si Eddie Gil na nakakatawa kapag nagsalita?”

Itinuturing ng marami na isang katatawanan ang pagkakasali ni Eddie Gil sa labanan sa pagkapangulo ng Pilipinas. At ngayong na-disqualify na siya ng Comelec, masasabing seryoso na raw ang laban.

Pero ang totoo niyan, matagal nang hindi biro ang labanan.
Continue reading “Seryoso”

Palabra de honor at ang Panguluhan

Sa pagkakaalam ko, napakahalagang bagay para sa ating mga Pilipino ang “Palabra de honor,” o “word of honor. Nangangahulugan ito ng pagkakaroon ng isang salita.

Sang-ayon ako sa isinulat ni Neal H. Cruz ng Philippine Daily Inquirer:

“This is any commitment that Filipinos, from our forefathers to the present, hold sacred. A man’s honor goes with his word. Violate it and he loses not only his own honor, but also that of his family. Descendants honor the commitments and pay for the debts of their parents and grandparents to preserve family honor.”

Kung ang isang kandidato sa pagkapangulo ay tumalikod sa kanyang salitang itinaga niya sa bato (i.e. sa pangalan o monumento ng pambansang bayani), karapatdapat pa ba siyang iboto? Ano sa palagay ninyo?

Sa tingin ko, may punto ang konklusyon ng isang article ni Leandro V. Coronel ng Manila Times:
Continue reading “Palabra de honor at ang Panguluhan”

Adik sa Harry Potter

Mag-commute na lang daw kami pauwi sa kanila, sabi ni Mhay. Safe naman daw. Sige ‘ika ko. Saka kung may masasamang loob, lagot sila sa akin. Isang kumpas lang ng wand ko, tigok sila!

Hindi rin ako masyadong adik sa Harry Potter, ano po?

Actually, Harry Potter and the Order of the Phoenix (Book 5) na ang binabasa ko ngayon. E-book pa rin ito. Palpak kasi ‘yung binilhan namin ng isang set ng limang aklat.
Continue reading “Adik sa Harry Potter”

TV Ad at Websites

May bagong television ad si Brother Eddie Villanueva. Decided at passionate ang mga tagasuporta niya na angsasalita sa ad–karamiha’y mga kilala at kapuri-puring mga personalidad. Sabi ng isang kasama ko, nakakapanindig-balahibo si Brother Eddie.

***

Samantala, may nag-comment sa isang entry ko, nagri-request na i-post ko ang URL ng official website ni Noli de Castro, kandidato sa pagka-pangalawang pangulo. Eto na po. By the way, okay ‘yung bolahan nila ni Ate Glo sa TV ad nila, no?
Continue reading “TV Ad at Websites”