Death Penalty at Eleksyong 2004

(Unang nalathala sa Pinoy Gazette)

Ang buwang ito ng Enero 2004 ay maitatala sa kasaysayan ng bansa sapagkat muling makakatikim ng lethal injection o parusang bitay—actually, hindi bitay sa literal nitong kahulugan, kundi turok ng lason—ang mga nasentensiyahang kidnappers.

Noon ay ayaw na ayaw ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa pagpapataw ng parusang kamatayan. Mula nang siya ay maupo, wala pa ni isang death convict ang napatawan ng parusang kamatayan. Ngunit noong ika-5 ng Diyembre, ang ganitong mga pahayag ang pamasko niya sa pamilya ng mga bilanggo sa death row at sa kanilang mga pamilya:
Continue reading “Death Penalty at Eleksyong 2004”

Sino si Eddie Gil?

(March 14, 2004 Update: Para sa mga naghahanap ng profile ni Eddie Gil, mangyaring pumunta lamang sa link na ito. Maaari ring mapanood sa link na ito ang mga episodes ng Bio-data at Panindigan tungkol kay Eddie Gil at iba pang mga kandidato sa pagkapangulo.)

Photo from Eddiegil.org. Added on June 23, 2004.Isa sa anim na mga kandidatong pinayagan ng Commission on Elections na tumakbo sa pagka-Pangulo ng Republika ng Pilipinas, ang kadalasang reaksyon sa kanyang kandidatura ay, “Sino ‘yun?” Sino nga ba si Eddie Gil?’

Si Eddie Gil, 59, ay pinuno ng Isang Bansa Isang Diwa, isang foundation na nanggaganyak ng mga kasapi sa buong bansa at nangangako ng maraming mga benipisyong pinansyal sa mga sumasali. Political arm ng foundation ang Partido Isang Bansa Isang Diwa.
Continue reading “Sino si Eddie Gil?”

Guingona as Poe adviser?

Inamin ni Pangalawang Pangulong Teofisto Guingona na niyayaya siya ng grupo ni Fernando Poe Jr., na maging tagapayo, ngunit hindi pa siya nakakapagdesisyon kung tatanggapin niya ito.

Sa ulat ng Inq7, sinabi raw ng tagapagsalita ni Guingona na bukas ang Pangalawang Pangulo sa posibilidad na makasamasa administrasyon ni FPJ. Pero nais niyang matiyak na isasama ng artistang kandidato sa kanyang plataporma ang mga layunin ng Bangon!, isang makabayang kilusan na pinamumunuan niya.

Nais din daw makita ni Guingona ang “dynamics of the people around FPJ.”
Continue reading “Guingona as Poe adviser?”

Tears of joy raw

Habang binabasa ang mga feedback sa Bio-Data episode tungkol kay Bro. Eddie Villanueva na ipinalabas kagabi, medyo natawa ako sa comment na ito ni fatgrrl_slim sa PinoyExchange:

The single most hilarious comment I’ve ever heard in a long, long time was Speaker Joe de Venecia’s explanation kung bakit naiyak si Pres. GMA nung hindi pumayag si Bro. Eddie na umurong sa kandidatura nya bilang presidente:”Tears of joy yun.”

Tears of joy daw oh! 😆

Continue reading “Tears of joy raw”