Babay, Inday Badiday

Pumanaw na raw si Inday Badiday, kilalang Reyna ng Intriga ng pinilakang tabing at telebisyon sa Pilipinas, ayon sa report ng Front Page ng GMA-7.

Noong bata pa ako, lagi akong nanonood ng Eye to Eye ni Inday Badiday. Sa katapusan ng programa, lagi niyang sinasabi ang mga katagang “Saranghamida Bo.”

May public service segment ito. Minsan, may isang batang nawawala at gaya ng lagi’y tinanong siya ni Ate Luds: “Kilala mo ba ako, iho?” Ang sagot ng bata: “Opo. Bakla ka!” Susme, akala ng bata ay si Inday Garutay, isang impersonator, si Inday Badiday!

Babay, Inday Badiday.

Kris at Joey

Ang panghahawak raw ba ng titi ng lalaki ay karahasan?

‘Yan ang tanong sa mala-palengkeng programang “Debate” na kasalukuyan kong pinanonood. Hindi nasagot directly ‘yung tanong. Kapag ‘yung itlog daw ay pinisil, masakit ‘yun, sabi ng isang panelist. So siguro, karahasan, ano? Maalalang sinabi umano ni Kris Aquino na gusto niyang i-grab ang etits ni Joey Marquez at i-crush ito dahil sa mga ginawa raw sa kanya ng lalaki.

Nakaka-bad trip na itong kalintikang ito. Pati si Melanie Marquez ay nabibisto ang pagiging alam n’yo na sa mga hirit niya habang ipinagtatanggol ang kuya niya sa TV.

Wala akong gustong sabihin tungkol sa isyu. Bahala sila sa buhay nila. Pero share ko lang ‘tong text messages na ipinadala sa akin ni Gari at e-mail na ifinorward naman ni Melis.
Continue reading “Kris at Joey”

'Tangna, wala namang lokohan!

Naghihintay raw ng divine guidance at mataimtim na nananalangin si Pangulong Macapagal-Arroyo bago magpasya kung tatakbo ba siya o hindi sa 2004, ayon sa kanyang tagapagsalita. Makikipagkita rin daw siya sa Santo Papa sa Roma–ang lider ng Simbahan na sinuway niya nang todo-todo siyang sumuporta sa pambobomba ni US President Bush sa Iraq.

Tutang ina naman, wala namang lokohan! Hindi pa nakakapagpasya? Yeah, right!

Iba kaya ang sinasabi ng mga kapartido niya. Mismong si Jose Ma. Rufino, ang kanyang political liason officer, sa isang panayam sa Inq7 ang nagsasabing “tuluy-tuloy na ang pagtakbo” niya. Maging si Pangalawang Pangulong Tito Guingona, isa sa mga pinuno ng partido ng pangulo, ang Lakas-CMD, ay nagsabing “All indications show that the President is running.”

Pero ayon pa rin sa ulat ng Inq7, gaya ni Bunye ay humirit si Rufino ng “Let’s wait for God’s response.”

Huwag na sanang gamitin ang pangalan ng Bathala sa pambobola sa mga tao.
Continue reading “'Tangna, wala namang lokohan!”

Ikukulong si Imelda

Ayon sa balitang Imelda Marcos in jail next year, says PCGG official sa Inq7, tiwala raw si Ruben Carranza ng Presidential Commission on Good Government na maiikulong ang asawa ng diktador dahil sa kalalabas lamang na desisyon ng Korte Suprema na nagpasyang nakaw ang mga perang nakadeposito sa mga bangko sa Switzerland.

Sampung bilang ng corruption and 33 bilang ng kasong smuggling currency palabas ng bansa raw ang kinakaharap ni Meldy. Sana nga’y maipagtagumpay ng PCGG ang labang ito nang makatikim naman tayo ng katarungan.

Sana, tabi ang selda nina Meldy at Erap. Puwede ring sumali si Jose Pidal pag nagkataon.

Ang Kahapo'y Narito

(Artikulo ito para sa kolum ko sa Peyups.com. Basahin dito and bersiyong nasa Peyups.)

Ngayong ikatlong linggo ng Setyembre’y nais kong magsulat, bilang parangal sa mga biktima ng Batas Militar, ng isang piyesa tungkol sa kanila at sa panahong kanilang kinabuhayan at kinamatayan.

Nais kong magsulat tungkol sa mga martir ng kilusan laban sa diktaturyang Marcos—silang mga ikinulong at ihiniwalay, binugbog ng suntok at sampal, hinubdan, inabuso’t ginahasa, kinuryente sa suso at bayag, tinusok sa puki ng talong na isinawsaw sa dinurog na sili, puwersahang pinainom ng walang humpay na agos ng tubig hanggang sa lomobo ang tiyan, pinatay, at itinapon sa talahiban.

Ngunit ang naiisip ko’y ang mga lider ng Bayan Muna at Karapatan—mga legal na organisasyong masa na lumalaban at nagbubunyag sa mga kasalanan ng rehimeng Macapagal-Arroyo—na karamiha’y hinihinalang pinatahimik ng mga bala ng militar.
Continue reading “Ang Kahapo'y Narito”