Tagaytay Adventure

Lumabas lang ako sa bahay noong araw ng kamatayan ni Ninoy Aquino upang makipagkita sa isang kliyente at dalawin ang mahal ko, pero nakarating ako sa Tagaytay, pati na rin Taal, Batangas, ang pook ng aking kapanganakan.

Wala kaming maisip na mapuntahan ng mahal ko nang gabing iyon kaya naisipan naming tumingin ng mga aklat sa Books for Less sa Tandang Sora. Habang naroon kami, nag-text ang kaibigan niya, si “Baby R Girl,” na noo’y nasa UP at nag-iisaw kasama ang boyfriend niyang si “Baby R Boy.” Sa kakapalan ng aking mukha, sinundo nila kami, sakay ng kotse ni BRB na si “Prexi” upang sama-samang tumambay kung saan namin maisipan. At doon nagsimula ang masayang “Tagaytay adventure.”
Continue reading


Pag-ibig sa Tinubuang Lupa

Sa pamamasyal ko sa cyberspace ngayong hapon, nadapadaan ako sa website ng Bagong Alyansang Makabayan at naka-download ng MP3 ng “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” ni Gat Andres Bonifacio.

Samantala, nag-update naman ako ng website ni Dean Luis Teodoro at isa sa mga artikulong in-upload ko ay ang Ninoy remembered. Ayon kay Dean Teodoro,

“Aquino’s decision to return despite the risk of imprisonment or deaths, and his subsequent assassination, made him both martyr and hero, and sounded the death knell for the Marcos dictatorship. Although it would take three more years before the collapse of the Marcos government, his assassination in 1983 set into motion a series of events that inexorably led to the regime’s collapse, and to the restoration of the institutions of liberal democracy, in 1986. Warts and all, Aquino was an authentic Filipino hero.”

Continue reading


Wika

Sayang at hindi ako nagkaroon ng pagkakataong mapanood o mapakinggan ang mga hearing ng Senado at Feliciano Commission. Sa pagkakaalam ko, medyo tinitira ng iba ang hindi perpektong English ng mga rebeldeng sundalo. Sang-ayon ako sa sinabi ni Randy David sa kanyang column ngayong araw:

“Under pressure and bursting with emotion, the officers have not been the paragon of articulateness in a language that few in our country have mastered in its oral form. Their detractors have also seized upon this to impugn their intelligence, forgetting that our schizophrenic approach to language has bred entire generations of Filipinos who have no firm command of either English or Filipino. Yet, truth is now being tested as communicative competence.

“I find it symptomatic of our deep cultural estrangement that the Feliciano Commission should demand that the young officers speak only in English. This is our country, and our principal audience is not the foreign community. Yet, we are asking fellow Filipinos to express their deepest sentiments in a language that is not their own. What kind of people are we?”

What kind of people are we? Isang lahing nakalimot sa sariling ugat at nalango sa puting pangarap. Para tayong mga asong ngumingayaw upang makatawid sa kabilang bakuran at lalong malimutan ang sarili. Basta magaling mag-English, henyo’t nagsasabi ng totoo!


Seryosong Sagot sa “Liham”

Kalat na kalat na sa CyberSpace ang liham para kay Kapitan Trillanes na hanggang ngayo’y di ko pa rin kilala kung sino ang sumulat. Nasundan ito ng isa pang nagsusubok magpatawa pero sa totoo’y sobrang nakakainsulto nang liham na umano’y sagot ni Trillanes. Hindi ko na ipo-post itong ikalawa. Sa halip, ibabahagi ko naman sa inyo itong isa pa–seryoso at may lamang sagot sa unang liham. Ang nakalagdang sumulat nito ay si Radamanthus Batnag.

Sana nga, ganun lang kasimple ‘yun at ganun kadaling pagtawanan.

P’re, naranasan mo na ba makitang patayin ng kaaway ang isa mong kaibigan? Kung hindi ka NPA, malamang, hindi. Naranasan mo na bang pumatay? Mas mabigat ito. ‘Yung kaibigan na namatay, lilipas din ang sakit noon. Pero ‘yung taong pinatay mo, baka di mo malimutan habang buhay.

Continue reading