Keiko, etc: Cybermagnanakaw

Isa sa mga katangian ng Internet na gustung-gusto ko ay ang kalayaan sa pamamahayag na kaakibat ito, at ang open source system sa computer at Internet programs. Sa open source programming, nabibigyan ng karapatan ang iba na gamitin ang datos na pinangsikapang buuin ng isang tao o grupo, basta ilalagay ang sapat na pagkilala sa orihinal na gumawa, at ibabalik sa community ng programmers ang codes ng bagong program na nalikha mula sa orihinal.

Samantala, dahil sa pagba-blog ay nalilikha ang mumunting pamayanan ng bloggers. Sa pagpapalitan ng impormasyon, idinidikta ng netiquette o “common courtesy online and the informal “rules of the road” of cyberspace” (Albion.com) ang batayang respeto at pagkilala sa karapatan at copyright ng mga sumulat sa kanyang material kaya kinakailangang i-credit ng isang blogger sa orihinal na may-ari ang anumang bagay na kinuha sa ibang site.

Noong isang buwan, may nag-contribute sa Tinig.com at sa pag-scan sa artikulo niya ay natuwa ako. Kako’y ilalabas ko ito. Nakakaaliw at witty pero di ko maipaliwanag kung bakit pamilyar ang estilo. Luminaw ang lahat nang dumating ang e-mail ni Alex, ang Kapatnugot ng Tinig.com. Sinabi niyang artikulo ni Pete Lacaba ang ipinasa ng contributor na ‘yun. Nang i-text ko ang contributor kung orihinal na composition niya ang kanyang ipinasa, sabi niya’y “ideya nila ng mga kasama.” Hindi niya kailanman inamin na hindi sa kanya kundi kay Pete Lacaba ang artikulong inaring kanya at ipinasa sa Tinig.com. Sa ginawa niyang iyon, maaari siyang tawaging isang cybermagnanakaw!

Sa pamamasyal ko naman sa cyberspace, nasaksihan ko ang galit ng mga nabiktima ng isa pang cybermagnanakaw: si Keiko. Ninenok niya ang posts nina Gabby, Ara, Pam, Twinkle, at iba pa.
Continue reading

Si Marj

Kakaiba ang buhay ko kapag nag-iinarte si Marj. Kapag ganitong may problema siya at nag-iisa ako sa bahay, boring ang buhay. Napipilitan akong matulog nang maaga at tuloy, nagigising rin ako nang maaga. Walang music ang paligid ng bahay. Higit sa lahat, kapag nagmamarakulyo si Marj, nawawala ang pagka-cyberboy ko. Hindi nga ako makapag-update ng sites ko kung di pa ako pupunta sa Internet cafe. Sana, magkatrabaho na ako agad nang madala ko na si Marj sa PC doctor.

Si Mahal!

Hindi ito tungkol sa girlfriend ko, pero kasama ko siya kanina sa Tandang Sora nang maganap ang ikukuwento ko.

(Kung napapansin ninyo, medyo napapadalas ang tambay namin sa Tandang Sora; siguro’y dahil ang Agosto ay panahon ng Katipunan. Noong ika-23, anibersaryo ng Sigaw sa Pugad Lawin na naghudyat ng pagsisimula ng Himagsikang 1896. Si Tandang Sora o Melchora Aquino ang Ina ng Katipunan. Malamang na ang napapadalas na pagtambay sa Tandang Sora ay udyok ng aming subconscious mind bilang paggunita sa kagitingan ng mga kasapi ngKatipunan lalo na sa itinuturing na Ina ng marangal na kilusan.)
Continue reading

Si Ate Teresa

Nakatanggap ako ng text kaninang umaga mula sa isa sa mga pinsan ko sa Marinduque. Namatay raw ang isang tiya namin. Si Ate Teresa–pinsan ni Mama at isa sa mga kambal nina Tiyo Severo at Tiya Celing–pala ang sinasabi niya. Nabalitaan ko lang na may kakaibang sakit siya noong isang linggo. Di ko akalaing dahil doo’y tuluyan siyang lilisan. Siguro, mga 22 o 23 taong gulang lang si Ate Teresa. Tahimik siya, hindi masalita, at simple lang ang buhay. Nanatili siyang bata hanggang sa kanyang maagang pagpanaw.

Tagaytay Adventure

Lumabas lang ako sa bahay noong araw ng kamatayan ni Ninoy Aquino upang makipagkita sa isang kliyente at dalawin ang mahal ko, pero nakarating ako sa Tagaytay, pati na rin Taal, Batangas, ang pook ng aking kapanganakan.

Wala kaming maisip na mapuntahan ng mahal ko nang gabing iyon kaya naisipan naming tumingin ng mga aklat sa Books for Less sa Tandang Sora. Habang naroon kami, nag-text ang kaibigan niya, si “Baby R Girl,” na noo’y nasa UP at nag-iisaw kasama ang boyfriend niyang si “Baby R Boy.” Sa kakapalan ng aking mukha, sinundo nila kami, sakay ng kotse ni BRB na si “Prexi” upang sama-samang tumambay kung saan namin maisipan. At doon nagsimula ang masayang “Tagaytay adventure.”
Continue reading

Pag-ibig sa Tinubuang Lupa

Sa pamamasyal ko sa cyberspace ngayong hapon, nadapadaan ako sa website ng Bagong Alyansang Makabayan at naka-download ng MP3 ng “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” ni Gat Andres Bonifacio.

Samantala, nag-update naman ako ng website ni Dean Luis Teodoro at isa sa mga artikulong in-upload ko ay ang Ninoy remembered. Ayon kay Dean Teodoro,

“Aquino’s decision to return despite the risk of imprisonment or deaths, and his subsequent assassination, made him both martyr and hero, and sounded the death knell for the Marcos dictatorship. Although it would take three more years before the collapse of the Marcos government, his assassination in 1983 set into motion a series of events that inexorably led to the regime’s collapse, and to the restoration of the institutions of liberal democracy, in 1986. Warts and all, Aquino was an authentic Filipino hero.”

Continue reading

Wika

Sayang at hindi ako nagkaroon ng pagkakataong mapanood o mapakinggan ang mga hearing ng Senado at Feliciano Commission. Sa pagkakaalam ko, medyo tinitira ng iba ang hindi perpektong English ng mga rebeldeng sundalo. Sang-ayon ako sa sinabi ni Randy David sa kanyang column ngayong araw:

“Under pressure and bursting with emotion, the officers have not been the paragon of articulateness in a language that few in our country have mastered in its oral form. Their detractors have also seized upon this to impugn their intelligence, forgetting that our schizophrenic approach to language has bred entire generations of Filipinos who have no firm command of either English or Filipino. Yet, truth is now being tested as communicative competence.

“I find it symptomatic of our deep cultural estrangement that the Feliciano Commission should demand that the young officers speak only in English. This is our country, and our principal audience is not the foreign community. Yet, we are asking fellow Filipinos to express their deepest sentiments in a language that is not their own. What kind of people are we?”

What kind of people are we? Isang lahing nakalimot sa sariling ugat at nalango sa puting pangarap. Para tayong mga asong ngumingayaw upang makatawid sa kabilang bakuran at lalong malimutan ang sarili. Basta magaling mag-English, henyo’t nagsasabi ng totoo!

Seryosong Sagot sa "Liham"

Antonio Trillanes IV (Photo from Philippine Star)

Kalat na kalat na sa CyberSpace ang liham para kay Kapitan Trillanes na hanggang ngayo’y di ko pa rin kilala kung sino ang sumulat. Nasundan ito ng isa pang nagsusubok magpatawa pero sa totoo’y sobrang nakakainsulto nang liham na umano’y sagot ni Trillanes. Hindi ko na ipo-post itong ikalawa. Sa halip, ibabahagi ko naman sa inyo itong isa pa — seryoso at may lamang sagot sa unang liham. Ang nakalagdang sumulat nito ay si Radamanthus Batnag.

Sana nga, ganun lang kasimple ‘yun at ganun kadaling pagtawanan.

P’re, naranasan mo na ba makitang patayin ng kaaway ang isa mong kaibigan? Kung hindi ka NPA, malamang, hindi. Naranasan mo na bang pumatay? Mas mabigat ito. ‘Yung kaibigan na namatay, lilipas din ang sakit noon. Pero ‘yung taong pinatay mo, baka di mo malimutan habang buhay.

Continue reading

Bagong Bihis

Ano ang tingin mo sa new look ng Ederic.com? Okay ba? Nagpalit na ako ng template para maiba naman ang hitsura ng site ko. Salamat nga pala sa mga sumusunod na bloggers:

Ricky at Carlo – sa sites nila ko nakuha ang idea ng banner design; at

Chinito, na dahil sa pagpo-post ng pangalan niya sa Alibata ay nagpaalaala sa akin ng matagal ko na ring balak na gamitin ang Alibata sa aking site.

(Yung masthead actually ng Tinig.com ay gusto ko sanang Alibata-based ang design, pero ang pinakamalapit na nakuha kong version sa kasalukuyang sistema ng panulat ay ang font na Carolingia.)

“Ederik” ang nakasulat sa kanang itaas ng banner, gamit ang font na Tagalog Stylized.

Gimik (o Kung Bakit Kami Hinarangan ng Guwardiya sa Padi's)

Gimik? Oo naman. Marunong din naman akong gumimik. Kaya nga nitong Lunes na gabi ay kinulit ko sa text ang isang dating kabarkada. Kako’y magpatumba naman kami ng ilang bote. So ‘yun, pumayag naman. Natawa pa nga ako dahil habang nakatambay ako’t hinihintay siya sa isang kanto (dahil ayokong magmukhang engot na mag-isa sa mesa sa Sharky’s), naka-relate ako sa pakiramdam ng mga “panggabing nilalang” na naghihintay ng “client.” Mainipin kasi ako’t ayaw na ayaw ng naghihintay, pero ang galing magpahintay. Pero gago rin ako ‘no? Mas ninais ko pang maghintay sa kanto na tila callboy kaysa magmukmok na parang hiniwalayan ng girl friend sa isang gilid ng restaurant.

So nang magkita, nagpatumba na kami ng ilang boteng serbesa–konti lang, mahina kasi kami sa inuman–isang platong buto ng kasoy at isang platong sisig, at muling nag-senti sa nakalipas na mga kaibigan, niligawang nambasted, mga nagkagustong hindi pinansin, ang walang kamatayang diskusyon tungkol sa mga mala-“quarter-life crisis” na sitwasyon, at siyempre, ang mga plano sa buhay, lalo na sa trabaho.
Continue reading