Our friends' wedding pics

Share ko lang ‘tong pics namin sa wedding nina Sharon at Roel. Ito ‘yung unang buhos ng mga larawan na kaakibat ng kuwento sa Biyaheng Baguio. Salamat kina Alex V (na nawawala sa mga larawan dahil siya ang kumuha ng pics sa kanyang Nokia 7650 at ‘di na sumama sa amin sa Vigan at Baguio dahil may hinabol na trabaho sa Maynila) at Karla (na pagdating sa Cebu ay kaagad ipinadevelop, ini-scan, at ipinadala sa amin ang mga larawan mula sa camera niya). Yung mula sa camera nina Don at Bing ay sa susunod na lang.
Continue reading “Our friends' wedding pics”

Dean Armando Malay, 89

Isa siyang maliwanag na pangalan sa kasaysayan ng peryodismo at pakikibaka sa ating bayan. Isinulong niya ang malaya at mapagpalayang pamamahayag. Tagapagtaguyod siya ng kalayaan at karapatang pantao. Sa Unibersidad ng Pilipinas, tinuruan at inaruga niya ang ilan sa mga pinagkakatitiwalaan at iginagalang na mamamahayag ngayon.

Pumanaw siya noong Mayo 15, at kagabi, inalala’t pinarangalan siya ng kanyang pamilya, mga dating estudyante at kaibigan, at ng mga tulad naming bagamat di siya nakilala nang personal, ay naniniwala at sumusunod sa kanyang mga adhikain.

Narito ang ilang paggunita sa kanya:

Journalist and teacher by Luis V. Teodoro
Tribute to Prof. Armando J. Malay from Jose Maria Sison and family
Lessons in brevity, accuracy and spunk from Dean Malay by Joel Saracho
The Dean is dead; long live the legend By Alcuin Papa and Armin Adina
Home on Heroes’ Hill, Today editorial
Students’ work is Malay’s monument By Chelo Banal-Formoso
Armando Malay: Journalist, street activist, UP dean, 89 by Jonathan M. Hicap

Biyaheng Baguio

Wish lang namin noong una iyon. Kumbaga, wala sa planong umakyat ng Baguio. Ang talagang ipinunta namin sa Hilaga, partikular sa Ilocos Sur, ay ang saksihan ang kasal sa simbahan ng kaibigan naming si Sharon sa kabiyak niyang si Roel, at ang binyag ng baby nilang si Jamir.

Lima kaming bumiyahe mula Maynila patungong Ilocos Sur noong Miyerkoles nang gabi: sina Bing at Don (yiheee!), si Alex , si Karla (na galing pang Cebu), at ako. Tila may kabilisan ang biyahe: walang masyadong traffic. Siyempre’y umaatikabong kuwentuhan kami ni Karla, na tuwang-tuwang ipinagmamalaki sa amin ang mga larawan ng baby niyang si Jacob. Mahigit isang taon na yata kaming hindi nagkita ni Karla.
Continue reading “Biyaheng Baguio”

May Lakambini ang Aking Tag-araw

Isang mainit na tag-araw, aksidenteng pinagtagpo tayo ng kung anumang puwersang nagbibigay-direksyon sa ating kasaysayan. Sa unang pag-uusap ay agad na humanga ako, di lang sa iyong kagandahan ngunit sa iyong paninindigan at pagmamahal para sa ating propesyon at bokasyon.

Hinila mo ako palabas ng Net na puno ng sapot ng kabiguan, kung saan ako lulutang-lutang sa balag ng kawalang katiyakan. Niyaya mo akong mag-enjoy rin sa tunay na mundo, at puno ng pananabik na inabangan ko ang bawat nating pagsasama.

Nagtagpo tayo kapwa sa cyberspace at ganoon din sa ibabaw ng daigdig na may tatlong dimension kung saan ang tubig, hangin, lupa, at apoy ay di lamang nakikita?t naririnig, kundi nahahawakan at nararamdaman din.

Magkasama nating tinanaw ang mga bituin habang ninanamnam ang lamig ng gabi sa Sunken Garden sa kabila ng kainitan ng umiiral na tag-araw. Nagsalo tayo sa matamis na kasiyahang dala ng good time teddy bear na putol ang paa matapos mabiktima ng bomba ni Bush sa Iraq. Buong gabi nating nilamay ang pagsubok na unawain ang kaisipan ni Little Prince at ang kuwento nila ng kanyang matampuhing rosas. Ibinulong natin sa isa?t isa ang mga nakalipas na kabiguan at mga pangarap para sa kinabukasan.

Ang ugnayan nati?y patuloy na yumabong, at hindi naging hadlang ang layo sa ating mga kuwento?t balitaan at mga mapagpalayang buntunghininga sa gitna ng mga trahedya sa bayan nating puno ng luha?t dalita. Habang tayo?y magkalayo, umigpaw sa pagitan ng mga bundok at dagat ang ating mga tinig at sa tuwina?y halos magkandarapa ako sa pananabik na muli kang marinig.

Sabi mo, kakaiba ako (kahit sobrang corny, hehe). Ngunit pareho tayong kakaiba. Hindi ka gaya ng karaniwang babae. Bagama?t tulad ni Maria Clara’y kailangan mo rin ng mapagkalingang mga bisig, malampa man ako?y kaya mo akong alalayan at nauunawaan mong hindi sa lahat ng oras ay kasinlakas ako ni Shaider. Ideyal kang kasama tulad din ng magandang si Annie. Hindi ka lamang palabang Cinderella at mulat na Gabriela?mas asteeg ka pa kaysa kay Darna. Dahil diyan, titingin pa ba naman ako sa iba?

Dati, sinabi kong kung muli akong makakaramdam ng tulad ng nararamdaman ko ngayon, higit pa sa romantikong pangangarap at pagsusulat ang aking gagawin. Sabi ko, siguro?y tatayo na ako, kikilos at muli?t muling susugal hanggang sa tagumpay.

Isang malaking sugal sa pagitan ng kaligayahan at kasiphayuan ang ginawa ko nang ipasilip ko sa iyo ang aking kaluluwa ngayong tag-araw.

Pero sana, ikaw na lang ang lalagi kong kasama sa bawat tag-araw at sa bawat panahon ng buhay ko.

http://www.peyups.com/article.khtml?sid=2241