‘Yaw mo sa gera? Pwes, punta tau Luneta. Feb28, 1-6pm, Luneta Grandstand. Pls pass…
Monthly Archives: February 2003
EDSA Anniv, Nilangaw!
Anibersaryo ng EDSA People Power Revolution, nilangaw!
Ganyan ang headline ng balita sa radyo kanina tungkol sa ika-17 anibersaryo ng pag-aalsang nagpatalsik sa diktaturyang Marcos.
Continue reading
Somebody
By Depeche Mode
I want somebody to share
Share the rest of my life
Share my innermost thoughts
Know my intimate details
Someone who’ll stand by my side
And give me support
And in return
She’ll get my support
Continue reading
Sa Alaala ni Shaider
Kilala n’yo ba si Shaider, ang pulis pangkalawakan?
Noong maliit pa ako, dahil wala kaming sariling TV ay nakikipangapit-bahay ako para lamang mapanood ang pakikipaglaban ni Shaider sa mga tauhan ni Phuma Lear, at para na rin masilip ang panty ni Annie. Para sa akin, ang galing-galing ni Shaider (o Alexis kapag hindi pa nagta-transform) at ang ganda-ganda ni Annie.
Tinuruan din ako ng ilang mahahalagang bagay nina Shaider at Annie, gaya ng mahigpit na pagkapit sa katuwiran at ang pagtataguyod ng kalayaan. Buong giting nilang ipinagtanggol ang daigdig mula sa mga dayuhang (as in aliens from outer space) mananakop. (Siguro partly responsible sina Shaider at Annie kung bakit naging anti-imperialist ako at tuwang tuwa sa nakikita ko ngayong pagtayo ng milyun-milyong taga-daigdig laban sa di-makatarungang plano ni Lear, este, ni G.W. Bush pala!)
Ang Pag-ibig (?) Nga Naman
(Ito ang Valentine’s Day article ko sa Peyups):
Bulag daw ang pag-ibig. Pag hinuli ka nito, patay ka na. Sabi nga ng kanta ni Donna Cruz, “kapag tumibok ang puso, wala ka nang magagawa kundi sundin ito.” Hindi mo alintana ang kahinaan at kahit ang kawalanghiyaan ng iyong minamahal. Lahat ay gagawin mo, mapaglingkuran at mapaligaya lamang ang sinisinta.
Award
Kapapanalo ko lang ng “Lei’s Home’s CUTE SITE AWARD” nitong nakaraang linggo. Ang sabi sa citation:
“Your site really deserves this award. That’s why i am so grateful to give this for your site. You really give your time, hardwork, and dedication in making your site…”
Dagdag pa ni Lea De Luna, ang magandang webmistress ng Lei’s Home: “I liked the design and the formality of layout and contents. Keep it up.”
Maraming salamat, Lea.
Impeach Her! (2)
Oo, si Gloria Macapagal-Arroyo!
‘Yan na ang panawagan ng iginagalang na kolumnistang si Conrado de Quiros ng Philippine Daily Inquirer, dahil sa marubdob na pagsuporta ni Macapagal sa giyera ng US laban sa Iraq.
Bagama’t nagli-lip service sa “pagsuporta sa UN process” at “world peace,” todo-todo pa rin ang suporta ni Macapagal sa posisyon ng US. Matapos ang presentasyon ni US Secretary of State Colin Powell ng umano’y mga ebidensya laban sa Iraq noong Miyerkoles, kaagad ipinahayag ni Macapagal na ang kanyang pagkakumbinsi, habang ang mga iskolar ay nagsabing kaduda-duda at outdated na ang mga impormasyon ni Powell.
Continue reading