Liwanag sa Gitna ng Dilim

Kanina, sumama ako sa Stand for Peace, isang prayer rally para sa kapayapaan sa Iraq at sa buong mundo na pinangunahan ni Pangalawang Pangulong Teofisto Guingona, Jr. Natapos ang sama-samang pananalangin ng mga Pilipinong Kristyano, Muslim, at Lumad pagsapit ng dapit-hapon. Habang nag-aagaw ang dilim at liwanag, sinindihan ang mga sulo at kandila bilang simbolo ng liwanag sa gitna ng kadilimang dala ng nagbabadyang digmaan. Pinasalamatan ng mga kalahok ang pamumuno ni Guingona. Ayon sa nagpakilala sa kanya bago ang kanyang Panalangin para sa kapayapaan, ang Pangalawang Pangulo ay tila isang pinunong nakasakay sa puting kabayo–naalala ko nga si Gandalf ng Lord of the Rings. Subalit tama siya. Habang ang iba’y nagkukunwaring para sa kapayapaan, takot naman nilang salungatin ang puwersang mapanakop. Sa gitna ng kadiliman ng pagiging sunud-sunuran sa mapandigmang US ng karamihan sa ibang mga lider, si Guingona ay tila isang munting puting liwanag nagkakalat ng kapayapaan.

Stand for Peace

A CALL TO THE FILIPINO PEOPLE: STAND FOR PEACE!
From Vice President Teofisto Guingona

The threat of war in Iraq and its consequences, for us ordinary Filipinos, is growing as the 27th of January U.N. inspectors’ report to the United Nations draws near. An attack on Iraq by the U.S. and English forces seems imminent, even with the U.N. Security Council mandate. Their forces are massing by the hundreds of thousands!

Reports from the U.N. estimates that casualties of civilians alone may reach five hundred thousand.
Continue reading

Sa Hotel

Mula sa bintana ay pinagmasdan ko ang kumukutikutitap na mga ilaw-dagitab ng Kamaynilaa. Pinagmasdan ko ang aking kahubdan sa malalaki’t malilinaw na salamin. Naglunoy ako sa mainit na tubig ng bath tub at kapagdaka’y ibinaon ang sarili sa makapal na comforter. Nag-iisa, payapa akong nahimbing sa mahinahong huni ng air-con.

Minsan-minsan lang ako nakakaranas ng ganyan. Ngayon ulit. May na-kidnap kasing Hapon.

Hapi Anib, Peyups

“Bahagi na ng aking pagiging taga-Unibersidad ng Pilipinas ang Peyups.com. Kapag ako’y online, at nami-miss ko ang UP, alam ko na kung saan ako pupunta.”

Galing yan sa artikulo kong “Sa Ikaapat na Anibersaryo ng Peyups” na nalathala sa Tembtation column ko sa Peyups.com. Basahin ang buong artikulo
rito.

Pupunta rin kami ng mga kaTinig sa February 1 PeyupsROCKcom concert sa Freedom Bar. Sama ka?

Bintang

Kabi-kabila ngayon ang mga daliring nakaturo sa Bagong Hukbong Bayan (NPA) kaugnay ng pagkakapatay sa dating rebeldeng si Romulo Kintanar. Mula sa Philippine National Police hanggang sa Palasyo, ang NPA ang sinisisi sa pamamaril kay Kintanar kahapon sa Quezon Memorial Center. Si Kintanar ay nagbalik-loob na sa pamahalaan. Tiyak na lalala pa ang ganitong pamimintang lalo na’t napabalita rin ang pagkapatay kanina sa isa pang dating lider ng NPA sa Bulacan.

Mano Po

Matapos ang halos maghapong pagtulog at ilang oras sa aking computer, ipinasya kong lumabas upang kumain ng gulay sa Bodhi. Naisipan ko ring muling manood ng sine. Dahil napanood ko na ang Dekada ’70 at Lord of the Rings, Mano Po ang pinanood ko. Maganda nga ang pelikula. All-star cast. Matindi ang kuwento. Gaya ng Dekada ’70, sinasalamin din nito ang lipunan. May mga mabubuting aral din itong itinuturo. Yun nga lang, nakakapanghinayang pa rin na mas maraming nanood ng Mano Po kaysa sa Dekada ’70. Ang Dekada ay kasaysayan hindi lamang ng isang sektor–ito’y pagsasalarawan ng kuwento ng isang buong bayang sinakal at minasaker ng diktador na suportado ng bansang mananakop.

Ina at Bayan

Noong ika-51 kaarawan ng yumao kong ina, patungo ako ng Mediola kasama ang ilang daang libong katao upang pababain sa puwesto si Erap. Makalipas ang dalawang taon, sa mga panahong watak-watak na ulit maging ang People Power 2 forces, nagawa kong muling samahan at iulat ang mga aktibistang bumabatikos sa pagtataksil ni Gloria sa diwa ng EDSA at nagawa ko ring pakinggan at kunan ng larawan si Gloria habang muling nangangako ng mga pagbabago. Sa gitna ng lahat ng ito, kasama ko pa rin sa aking isipan at alaala ang mahal kong ina.

Naki-chacha si Gloria

So, naki-cha-cha na rin si Ate Glo. Dati’y wala siyang pinapanigan, pero ngayo’y tila nakumbinsi na siya ni Speaker De Venecia, ang pangunahing may pakana ng pagsusulong ng mga pagbabago sa Saligang Batas ng Republika ng Pilipinas. Ngayon, ang pinagtatalunan na lang nila ay kung constitutional convention ba o constituent assembly ang prosesong dadaanan ng hakbangin ito. Sa gitna ng lahat ng ito, isinaalang-alang ba ang kagustuhan ng mga Pilipino?

Maiba tayo, congrats nga pala kay Jol sa kanyang bagong “pseudo-blog.”

Bagong Baby

Kanina, kausap ko sa phone is Kuya Alidan. Next week, uuwi raw sila sa Marinduque dahil malapit nang manganak si Ate Yolanda. Magkaka-baby na sila. Parang kamakailan lang ay baby pa rin kami ni Kuya Ali, na second cousin ko pero sobrang magkasabay kaming lumaki kaya parang pinsang buo ang turingan naman. Naalala ko pa noong kinagat ako ng aso sa bahay nila. Iyak ako nang iyak at kinarga ako ni Ate Alicia–Nanay ni Kuya Ali–tapos pinahiran ng bawang ang sugat ko. Hindi naman kami naulol nung aso, hehehe. Magkasabay kaming pumasok sa school, magkasama sa mga camping bilang boy scouts, parehong hindi natutong maglaro ng basketball, at siyempre’y nagkasama sa iisang barkada noong high school. Astig nga ang love story nila ni Ate Yolly, eh. Nasubaybayan ko ‘yun, hehe. Nung ikinasal sila, andun ako. Ngayon, magkaka-baby na sila. Gaya nang dati, kakaiba lang. Ambilis ng panahon. Pakiramdam ko, ang tanda-tanda ko na talaga.

Speaking of tumatanda, Happy, Birthday, Arvhi!

Biyernes

Nakahiwalay na naman ako sa mundo ngayong araw na ito. Gumising nang tanghali, umupo sa harap ng computer, kumain, nagbasa, kaunting kuwento sa telepono, at hindi lumabas ng aming village. Masakit na naman ang likod ko, pero ayaw pa ring gumana ng “global announcement” sa Tinig.com Forums.