Tuwing Umuulan at Ka-Text Ka

Kauuwi ko lang mula sa Christmas Party ng office namin. Ansaya-saya na naman! Dami gifts and prices, hehehe. At sa maniwala kayo’t sa hindi (lalo na yung mga kilala ako talaga), kumanta ako ng “Tuwing Umuulan at Kapiling Ka” noong mag-family karaoke kami matapos ang dinner! Mabuti naman at hindi umulan pagkatapos.

Siyanga pala, lumulutang na naman ang balitang bubuwisan ang text messaging. Tax’na talaga!

Sore throat and the IMPSA anomaly

May sore throat ako. Gawa ito ng pagpupuyat at pag-iinom at pagsisigaw noong pagkasaya-sayang Christmas party ng Peyups.com. Sa kabila nito, sumugod pa rin ako sa Senado kanina para i-cover ang hearing tungkol sa maanomalyang IMPSA contract. Dapat kasi, pupunta si Erap para sabihing may nagsuhol sa kanya para aprubahan ang kontratang ito, at siguro’y para akusahan na rin si Nani Perez ng pagtanggap din ng suhol.
Continue reading “Sore throat and the IMPSA anomaly”

Harry Potter and "Magic Tricks for Estrada's House Arrest"

Pic from allposters.comNapanood ko na rin sa wakas ang “Harry Potter and the Chamber of Secrets nitong nakaraang Miyerkoles nang gabi. As expected, astig yung movie. Masaya pa kasi kokonti na lang ang mga taong nanonood so walng istorbo, unlike last year na sa aisle na lang ako nakaupo. After kong manood, nakatanggap ako ng text message galing kay Mong, at nagsulat ako ng article sa Bnext tungkol sa proposed house arrest for Erap:

Magic Tricks for Estrada’s House Arrest

“FYI: House just passd 2nyt a concurrent resolution expressing d sense that erap b given a xmas furlough. Madalian, tapos nagadjourn til Monday”

As this writer went out of the movie house Wednesday night after watching Harry Potter and the Chamber of Secrets, he got this text message from National Union of Students of the Philippines President Mong Palatino.

Here comes another magic trick of a different kind: this time, it was done in the real world, at the country’s House of Representatives, to be exact.

Read the entire story here.

House Arrest for Erap?

Ipinasa kahapon sa Kamara ang isang resolusyong nananawagan sa pagpayag kay Erap na makauwi ngayon Pasko. Pauna pa lang ito bago sila humiling ng house arrest, na kasalukuyang topic ng mga balita. Kamakailan, nabalita naman ang pagbagsak ng approval rating ng Pangulo. Ayun, ngayon, ok na sa Palasyo at sa Kongreso ang house arrest for Erap. Syempre, matutuwa nga naman ang mga fans! Nakakainis. Ang mga trapo nga naman pati hustisya’y isasaisantabi para sa kapakinabangan nila.

Ang sagot ni Joker: “All these talks about granting President Estrada house arrest or a Christmas furlough will come to nothing because even if the Sandiganbayan may want to, it cannot because its hands are tied–plunder is punishable by death and therefore it is a non-bailable offense.” Yun lang po.

People Power on the Rise

photo from Bulatlat.comSa kabila ng patuloy na pagdami ng mga balita ng pagyurak sa kasarinlan at iba’t ibang usapin ng corruption at pamumulitika sa pamahalaan, sumusulong din naman ang tinatawag na People Power. Sa kanyang kolum kamakailan ay binanggit ni Teddy Casino, lider ng Bayan, ang muling pagsasama-sama ng mga aktibistang lumaban kay Marcos sa organisasyong Bagong Bandila sa pamumuno ni Pangalawang Pangulong Tito Guingona bilang halimbawa ng pagsulong ng People Power.

“It shall be a progressive alliance of the democratic forces; of liberal democrats; of Christian democrats and of democratic socialists/social democrats and other democratic forces. It shall be an alliance of democratic organizations that adhere to Bandila?s vision, principles and goals,” ayon sa layunin ng Bandila.
Continue reading “People Power on the Rise”