Bomba

Tatlo katao ang namatay at mahigit dalawampu ang isinugod sa mga pagamutan matapos ang pagsabog ang isang pampasaherong bus sa Quzon City kagabi.

Ayon sa mga ulat sa radyo at telebisyon, ika-10 ng gabi nang maganap ang pagsabog sa ordinaryong bus na biyaheng Malinta Exit na noo’y nasa may Mu?oz Market sa kahabaan ng EDSA.

Naganap ito isang araw matapos ang dalawang pagsabog sa isang shopping mall sa Zamboanga City na kumitil sa pito katao at sumugat sa marami pang iba.

CyberFriend

From Peyups.com‘s Tembtation column: Posted by karl on Friday, September 20 @ 13:50:01 PHT
Parang idinulot ng salamangka ang ating pagtatagpo. Mula sa salasalabid na mga sinulid ng Web, ikinulong tayo ng mIRC sa isang silid na sinarili natin.

Sa lambong ng kawalang-pagkakakilanlan, naghingahan tayo ng mga tagong hinanakit at nagpatayugan tayo ng hagis sa ating mga dakilang pangarap. At oo nga pala, natalakay rin natin ang kabutihan sa kutis ng kamatis at carrots. Sa proseso?y patuloy tayong naghabi ng mga titik na naging mga salita?t mga pangugusap na sapat upang tayo?y magpatuloy. Basahin ang buong artikulo rito .

My Little-Bro-No-More

Kuya Ederic and Alvin circa 90sMakalipas ang mahabang panahon, nagkausap kami sa telepono noong isang gabi ng “little brother” kong si Alvin. Noong mga bata pa kami, dahil mga henyo (kapal ba?), lagi kaming magkasama sa Math Olympiad at iba pang school competitions. Siya ang pambato ng Ipil Elementary School at ako naman sa Ipil High School, at siyempre lagi kaming nagcha-champion! Tuwing magpapakilala sa mga girls, lagi naming sinasabi na magkapatid kami. Pero ang totoo, magkaibigan at magkasama lamang sa simbahan ang aming mga nanay na parehong katekista. Lusot na sana dahil pareho kaming dark, intelligent, and cute, hanggang sa may magtanong na isang makulit na batang babae: “Eh kung magkapatid kayo, bakit magkaiba kayo ng apelyido?” Oo nga naman. Bistado tuloy ang mga guwapo!
Continue reading “My Little-Bro-No-More”

Abu Sayyaf Reviving Its Ideology?

Sa isang analysis na inilabas ng Strategic Forecasting, mukhang nagbabagong anyo raw ang Abu Sayyaf Group–tila muli raw nitong niyayakap ang orihinal na simulain nito bilang isang ideological militant organization upang makaakit ng mga bagong kasapi at makasulong sa kanilang mga atake sa katimugang Pilipinas. Tinukoy ng Stratfor ang pambobomba kamakalawa sa lunsod ng Zamboanga na pumatay sa isang sundalong Amerikano at dalawang sibilyang Pilipino bilang basehan ng ganitong pagsusuri. Naganap ang pambobomba matapos manawagan ang lider ng Abu Sayyaf, si Khadaffy Janjalani, sa “lahat ng mga naniniwala sa pagiging iisa ni Allah” na atakehin ang mga lokal at dayuhang kaaway ng Islam.

Mula sa pagiging ideological group na naglalayong magtatag ng isang pure Islamic state sa Mindanao, naging mumunting grupo ng mga bandidong kidnapper ang Abu Sayyaf, at sa huli’y tinawag na terorista ng diyus-diyosan ng mundo, ang United States. Mula sa pagiging terorista, makababangon ba ang “Bearers of the Sword” upang muling maging tunay na armadong pulitikal na kilusan?