Never Again

“In the morning of September 22, people awoke without a newspaper on their doorsteps and with only the hiss of empty air over their radios….”

“Remembrance is indeed the only antidote to the return of authoritarian rule. But what once made it possible – and, from the standpoint of Marcos and company, necessary – is still with us and makes it reprise, though not necessarily in the same form, a constant peril.”

Luis V. Teodoro, Philippine Journalism Review editor and former dean of the UP College of MassComm, in his paper “Forgetting, Or Not Knowing: Media And Martial Law” delivered during the “Memory, Truth-telling and the Pursuit of Justice: A Conference on the Legacies of the Marcos Dictatorship” held on 20-22 September 1999 at the Ateneo de Manila University.

Hindi natin dapat payagang maulit ang naganap 30 taon na ang nakalilipas. Sa Batas Militar, di na muli!

Gutom at Gamitan

Sobrang late na naman akong gumising ngayong araw na ito. Siyempre, gutom ako paggising ko. Ngayon, apat na oras matapos ang brunch na kinain sa oras ng meryenda, gutom na naman ako. Siyempre rereklamo na naman ako na mahirap kasi ang ganitong nag-iisa sa bahay na malayo sa kabihasnan. Pero makulit talaga ang pagkalam ng tiyan ko. Maya-maya, pagbibigyan ko na ito.

Biyernes trese nga pala ngayon. Seryoso, paborito kong araw ang ganito. Masuwerte kasi sa akin saka paborito ko ang bilang na 13. Pero ewan ko ba, wala pa namang magandang nangyayari sa akin ngayon. Pero kung ituturing mong maganda ang maagang pagdating ng bill ng telepono at kuryenteng may PPA, masuwerte nga ang araw na ito.

Nasa Peyups.com na ang “reaction paper/review” ko ng pelikulang Gamitan: Astig: Pagdadamit sa Gamitan. Sana malaman ko kung sang-ayon ka o hindi sa obserbasyon ko sa kontrobersyal na pelikulang ito.

Siyanga pala, tampalasan talaga ang dialup connection!

Homeboy

Gaya nang dati, nasa bahay lang ako. At nasa harap ng PC ko. Nagising ako ng mga ika-1 ng hapon matapos matulog nang magliliwanag na. Kailangan ko pang maglinis nang konti, maghatid ng labahan, at manood ng sine. Nakakainis ang prepaid (at dialup) Internet connection ko. Laging nadi-disconnect. Nagdadagdag ako ng themes/styles sa Tinig.com Forums.

Newsweek Surprise

Nagulat naman ako pagdating ko rito sa bahay ngayon gabi. Sa hawakan ng aking pinto’y may nakasiksik na isang magasin. Nang buklatin ko ito, nakita kong ito’y Newsweek. Special report ito para sa anibersaryo ng pag-atake ng mga terorista sa US: “Beyond 9/11: One Year. Four Lives. A Changed World.”

Akala ko nga noong una, Newsbreak ito. May sinulat kasi akong artikulo tungkol sa Newsbreak para sa Philippine Journalism Review na kalalabas lang.

Señorito

Hindi lang ako mook, señorito rin ako. Ang excuse ko’y palibhasa’y sampung taong kaisa-isang apo (ten years old na ako nang masundan ako ng isang cute at mestisong pinsan), spoiled ako sa Tatay at Nanay (lolo’t lola) ko. Lahat ng gusto ko, sa ayaw nila at sa gusto, ay gusto ko. At ang gusto ko ngayon, gusto ko ngayon.

Lumabas ang ugali kong iyan kani-kanina lang, kaya ako nagpapalipas ng oras sa isa na namang Internet cafe. Kasi’y ike-claim ko ang aking labada kanina. Sabi ng nasa laundry, mga 7pm daw. Eh kakalagpas lang ng ala-sais noon. Nag-Internet muna ako, at lumagpas ako nang hanggang alas-otso. May nadiskubre kasi ako tungkol sa Tinig.com na ikinasama ng loob ko.

Nang bumalik ako sa laundry, walang ibang tao maliban sa isang karpentero. Ang bilin daw sa kanya ng may-ari, kung kukuha, ang sabihin ay bukas na lang. Papayag ba ng ganoon si Señorito? Syempre hindi! Kinulit-kulit ko ang kawawang karpentero na ang kasalanan ay sumunod lang sa inuutos sa kanya. Ewan ko kung ang pagmamarakulyo ko ay dala ng pagka-bad trip ko mula sa unang Internet session, pero nakakahiya namang talaga yung ginawa ko. Ayan, 15 minutes pa ang hinihintay ko, at makukuha na ni Señorito ang mga nilabhang damit niya.

Mook Ako!

Sa amin sa Santa Cruz, Marinduque, mook ang tawag sa taong kung gumising ay tanghali na. Lagi akong sinisigawan noon ni Nanay ng “Napakamook mo! Bangon na at mataas na ang araw!” Ayun, lagi tuloy akong nasasabihan ng mook at tamad. Pero dito sa Maynila, pwede ako gumising nang anumang oras na naisin ko kapag wala akong pasok. Sadya yata kasing may mga taong panggabi. May mga kaibigan nga akong nagsasabi na mas masarap daaw magtrabaho kapag gabi. Totoo naman. Anyway, saan man tumakbo ang kuwento kong ito, ang point lang ay mook talaga ako. Teka, mook ba o muok? Ewan ko!