Tinig.com Updates

Ang Tinig ng Bagong SalinlahiMay mga updates ako tungkol sa aking paboritong proyekto, ang Tinig.com. Bagong labas na ang ika-15 na isyu at pinaghahandaan na namin ang kasunod. Nakalipat na ito ng bagong web host, at naaayos na ang Tinig.com Forums at Free Web-based E-mail. Kaya kung nag-sign up ka dati sa free e-mail, maaari mo na itong ma-access muli. Pwede ka ring makisali sa diskusyon sa forums. Kita-kits. Hindi sa McDo, kundi sa Tinig.com.

Greetings from Marinduque!

Mga pagbati mula rito sa mahal kong hugis-pusong isla. Narito ako sa Marinduque upang dalawin si Nanay Diding–ang aking lola–at samahan siya sa pagdiriwang ng kanyang ika-75 kaarawan kahapon. Masaya’t maingay ang birthday celebration ni Nanay. Nagsipagdatingan ang kanyang mga pamangkin at naroo’t nag-asikaso sa munting salu-salo si Tiyo Severo–kapatid ni Tatay Andoy–at ang kanyang asawang si Tiya Celing. The best pa rin kapag nagsasama-sama ang magkakapamilya.
Continue reading “Greetings from Marinduque!”

Nakasusukang Palabas

Nang magsasayaw si Tessie Oreta noong gabing mahinto ang impeachment trial ni Erap sa Senado, namarkahan na ang karakter ng Senado ng ating bansa sa kasalukuyang panahon.

Kanina, halos manggipuspos ako sa kalaswaang napapanood kong nangyayari sa session hall ng Senado. Naroon, nagtatalakayang tila mga ministro at tagasunod ng ilang kilalang sekta ang mga senador na taga-oposisyon–karamihan sa kanila’y siya ring mga mukhang humamak sa demokrasya noong Enero 2001 sa pagtatangkang iligtas ang kanilang among magnanakaw.
Continue reading “Nakasusukang Palabas”