09205400971 at 09197292678 — Text Scammers

(Updated) Hindi ko ugaling mag-post ng number ng ibang tao sa mga pampublikong lunan gaya nitong aking blog, pero ibang kaso ito.

Kani-kanina lang, nakatanggap ako ng isang mensahe galing daw sa SmartZED na nagsasabing nanalo ako ng 500 pisong load. Mukhang credible ‘yung text. Sa unang tingin ko, medyo maayos ang grammar (pero kapag binasa nang maayos, hindi pala–hindi marunong gumamit ng punctuation yung nagpadala). At alam kong minsan ay may mga ganitong promo ang Smart. Eh siyempre, natuwa ako. Para sa mga kitikitext pero ordinaryong empleyado lang kagaya ko, malaking bagay na ang 500 pisong libreng load.

Hindi ko kaagad nakita ang numero ng nagpadala, pero sa bandang dulo ng message ay may number na nakalagay. Nang binasa ko nang maayos, nagpapapasa-load lang pala ang lintik! Eto ang buong mensahe:

WELCOME to SmartZED Text Reloaded Promo Congrats! U just won 500 peso worth of LOAD To Claim ur Load just type 09205400971 and TripleSEND it to 808. Thank you.

Sobrang nainis ako kasi na-excite na ako, eh. Tapos ‘yun pala, text lang ng isang manloloko na ang number ay 09205400971.

Lagi kong sinasabi sa mga tumatawag sa opisina namin kapag may nagtatanong tungkol sa mga text message na nagsasabing nanalo raw sila sa ganito at ganoong contest: “Eh isipin po muna ninyo kung may sinalihan kayo, bago ninyo paniwalaang nanalo kayo,” Sa kaso ko kasi, kahit bad trip ako sa text spam, paminsan-minsa’y sumasali rin ako sa mga text contest. Kaya ‘yun, sa unang tingin, akala ko nga ay nanalo na ako.

I-triple send daw sa 808 ang number niya. Eh gago pala siya, kinse pesos din ang madedekwat niya sa akin nun kung tatanga-tanga ako!

Ang nakakatawa rito, naubusan ako ng load kaya’t ipinasok ko ‘yung isa pang SIM card ko sa cellphone ko. Laking gulat ko nang pagbukas ko ng telepono ay may kaparehong mensahe na dumating. Gusto ring mang-isa. Ang number naman nito ay 09197292678.

Kaya mga kababayan, mag-ingat sa mga text na natatanggap. Huwag basta-basta ma-excite. Tingnan muna ang number ng sender. Kung ito ay 09205400971, 09197292678 o iba pang ordinaryong number, i-delete na lang, o kung may panahon ka, i-harass ang scammer o i-report sa National Telecommunications Office.

May tsansa lang na totoo ang nilalaman ng text kung galing ito sa mga access numbers na tatlo o apat na digits lamang. Pero kahit magkaganun, mag-ingat pa rin. Huwag na huwag magpapasa ng load o maglalabas ng pera. Huwag magdedeposito ng pera nang basta-basta sa account ng kung sinu-sino.

Alam kong masama ang maghiganti o mag-wish ng masama sa ibang tao, pero sa kaso ng mga text scammer na ito na ang cellphone number ay 09205400971 at 09197292678, lintik lang ang walang ganti! Ulanin nawa sila ng sangkaterbang text spam, at sana’y ma-virus ang telepono nila (kung bagong model na ito!)

At sa mga concerned citizen (alam kung marami kayo), puwede ninyong ibahagi sa iba ang paalaalang ito para makapag-ingat na rin sila. Tandaan ang mga number na 09205400971 at 09197292678 –pag-aari ang mga ito ng mga taong gustong magka-load pero ayaw magbanat ng buto. Kung naka-unlimited kayo at walang magawa, puwede n’yo silang bahain ng kung anu-anong text para mapagod siya ng kakabasa. At kapag madaling araw at wala kayong magawa, puwede ninyo silang i-miskol nang i-miskol para mabulabog.

5 Replies to “09205400971 at 09197292678 — Text Scammers”

  1. Bakit, mahirap ba mag report sa National Telecommunications Office para naman ma-aksyonan ang scam na ganyan. Baka kasi marami pang maloko. Sana naman may hotline ang NTC o kaya kahit anong paraan para madaling maka-report ang common tao para hindi na maloko pa. Sana maging active naman ang NTC kasi laganap na ang text scams, hindi yung naghihintay lang sila ng mga taong naloko na para ma-ireport ito.

  2. ay i’ve gone thru this not once, but twice. i told smart about it pero ang mokong na telecomm ipinapasa ako sa NTC. while that may be technicaly true, di ba dapat may responsibilidad din ang telecomm? kainis. grr. naalala ko tuloy. bakit ganun ano? may mga taong talagang iimbento ng kung ano-anong iskema para lang makapanlamang ng kapwa. grrr!!

  3. ako rin naloko na nyan, nabawasan din ako ng P10 pero ibang number. since mabait ako, tinanong ko kung aware sya at sinabi niyang oo, kailangan lang daw nya ng load, so nagsend ako ng 30 na eload para di na sya manloko ng ibang tao sabay sabing gamitin mo ASAP kasi ipapaban kita sa SMART at irereport kita sa NTC. hehehehe

Leave a Reply